"Every exit is an entry somewhere." - Tom Stoppard
*****
INASIKASO ang kaibigan.
"Alen... gising." Habang hinahaplos ang pisngi nito. Ilang segundo pa bago binuksan ang mga mata at kirot ang unang nagpakita doon.
"Jade?"
"May tama ka sa kaliwang binti mo... 'yan oh." Tinuro ko pero hindi ito doon nakatingin kundi sa mga kalalakihan.
Biglang yumakap. "Jade... may baril sila, hindi ako nakatakas!" Umiiyak na.
"Magdala ka sa sunod para may baril ka rin."
Patuloy ang malakas na pag-iyak. Kahit magaling ito sa ibang bagay ay napapansin mayroon pagkatakot sa baril.
"Sigurado may papunta na dito, tara na at umalis." Binuhat ko siya patayo. Hindi nito kaya ang sariling timbang kaya nilagay ko siya sa likod ko at mabilis ng tumakbo paalis.
Nang makalayo ay binaba ko muna siya sa isang tabi, ang nasa isip ay gamitin ang kaalaman natutunan sa doctor. Kaya ang ginawa ay agad nilinis ang paligid ng binti mula sa dalang simpleng emergency kit sa packet. Tinalian ang parte na malapit ang pulso at pinamanhid ang mga ugat.
Ang lakas ng sigaw mula dito.
"Jade! An-anong gagawin mo?!"
"Mabilis lang ito, Alen." Pinilit ko ngumiti. Pumunit muna ng kapirasong tela mula sa sariling damit bago gawin ang nasa isip. Ang nakabaong bala sa parte ng laman ay kinuha sa isang hugutan gamit ang tinagong maliit na patalim ng hindi nito nakikita kanina para hindi madagdagan ang pressure.
Malakas na tili ang sumunod, pagkatapos ay nanghihina na ito sa sakit. Binalot agad ang sugat gamit ang pinunit na damit.
"Wala na ang bala."
Done. Dapat madala agad sa hospital.
Niyakap ako ulit at mahigpit ang pagkakapit sa akin, malalalim ang paghinga at umiiyak habang nanginginig.
"Alis na tayo dito." Binuhat ko siya at pinatong sa likod saka tumakbong papaalis sa lugar. Sa mabibilis na hakbang ay tinawagan ko ang ama nito para magpasundo.
Iniwasan ang lahat ng mapapansin, ang pinakamasukal ang pinili dinaanan dahil ang mga parteng ito ang hindi pinagkakaabalahan puntahan ng iba. Mahigpit ang kapit sa akin ng nasa likod hanggang makarating sa paroroonan, sa tabi ng one way na kalsada. Binuksan ang tracking point sa sariling phone para alamin ang eksaktong lokasyon kung saan nakarating.
Tinawagan ulit si Uncle Eleas at sinabi ang lugar.
Ni isang pagkakataon ay hindi binaba mula sa likod si Alen, dahil punong puno ngayon ang nasa loob kung gagawin ba ang application ng tinuro sa akin galing sa finisher. Pigil ang sariling bumalik at baka matuluyan ko sila.
Dumating ang sasakyan, mula roon ay bumaba si Uncle Eleas. Nang makita kami ay hindi makapaniwala ang agad mabungaran sa anyo nito, hindi matukoy kung takot ba iyon o galit ang nasa mukha. Ang sabi ko lang sa tawag ay hindi maganda ang lagay namin.
"Papa," mahinang boses mula kay Alen.
Inalis ito sa likod ko at mahigpit na niyakap ng ama nito. Nilayo ko ang tingin sa kanila. Doon lang napansin ang tama ni Alen sa binti, kaya agad itong pinasok sa sasakyan at ineksamin. Maraming tanong ang lalaki.
"Naalis na po ni Jade ang bala," sa nanghihinang boses.
Nalipat sa akin ang paningin, galit ang hinarap pero agad nawala nang makita ang ayos ko, puro dugo.
![](https://img.wattpad.com/cover/22847878-288-k919210.jpg)
BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Action"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...