CHAPTER 30

8 1 0
                                    

WALA pa ang liwanag ay umalis ako sa tabi niya, buti tulog at baka hindi ako pakawalan. Nagdesisyon pumunta sa pad ng bestfriend, nang makarating ay pinasok ko ang password nito sa pinto at bumukas iyon. Mula noon ay malayang nakakapunta dito dahil wala pang sariling lugar. Buti na lang kahit may giyera palagi ay nakakatulog pa naman ng mahimbing sa lugar na ito. Hindi naman nagtagal, naligo at nagsuot ng simpleng damit, mga kulay na hindi pansinin at mga damit ng bipolar na iyon. Magdadala na sana ng isang bag nang mapansin ang isang hindi kalakihang luggage sa tabi, nilapitan ko at binasa ang message.

IT IS FORBIDDEN TO TOUCH MY STUFF, I WILL KILL YOU IF YOU MOVE ANYTHING FROM ITS PLACE.

Late na, nagalaw ko na. Mapapansin pa kaya niya kung may gumalaw sa gamit niya? Freak. Magulo kaya dito, daig pa ang dinaanan ng ipu ipo.

THIS WILL BE YOUR THINGS, GET IT AND GET OUT. LEAVE THE PAYMENT, IT COST ME TWENTY-FIVE THOUSAND PESOS.

Ang mahal? Nagpabili ba ako?

Inis binuksan ang luggage, inaasahang puro kalokohan at pang-inis ang nakalagay pero napangisi nang makita ang laman, foods and my style of clothing.

She knows.

SA HAPAGKAINAN sa loob ng pamilya ng Marle.

Sa palihim na paraan, isa isang pinagmamasdan ang tatlong anak. Si Gin, mahinahon ang mukha at tahimik kumakain. Ang isa naman ay mukhang may malalim na iniisip, mahahalata iyon dahil nakayuko, akala ay puro pagkain ang inaatupag. Ang isang ito ay hindi mawari kung ano ang tunay na sinasaloob, si Mio. Ang ikatlo ay masigla, hindi malaman kung saan ang kasiyahan nanggagaling, napapangiti habang ngumunguya, ang bunso sa lahat.

Ang tunay na anak naman ay hindi man lang nagparamdam ng ilang linggo, palihim pinahanap muli kay Eleas at sundan pagkatapos nang umalis ito sa pagtitipon. Pero walang bakas na iniwan para masundan.

Ang taong ganoon ay isa lang ang pinapakita, isang mahusay sa pagtakas. May tinatago ba ang anak? May kinalaman ba ito sa pag-alis at pagkawala? Si Kisse ay agaw pansin ng lahat kahit ang isang bata ay mapapasabi ng salitang maganda. Bakit ang katulad ni Jade ay hindi nakukuha ang ganoong atensyon? Bakit hindi iyon napapansin ng isang deathly tiger? Ng isang Walden?

Si Eleas, hindi man niya sabihin ay malakas ang pakiramdam may kinalaman ang anak sa maraming kakaibang nangyayari.

Hindi pwedeng utusan ang tatlong anak para pasundan si Jade kahit malapit ang mga ito, mahahalata ni Walden at mabilis maghinala. Hanggang maaari ay walang lalapit kay Jade sa tatlong ito dahil bawat isa ay may nakasunod na tauhan ng Arabis na iyon!

Biglang lumukso ang puso nang may isang taong nagpakita sa bungad papasok sa hapagkainan. Wala man itong malinaw na feature ng dating girlfriend ay makikita ang lakas ng paghatak ng personalidad ngayon.

"Pa."

Mabilis tumayo nang mahimasmasan at tuluyan ng nakalapit ang anak, niyakap ng mahigpit at matagal bago hiwalayan.

"Where have you been?" Asking eagerly.

"Taking vacation with someone." Hindi inaalis ang titigan sa bawat isa.

"Who?"

"My love," at ngumiti, a charming smile.

May kalansing na ingay mula sa nahulog na utensil.

"Sorry," sabi ni Mio, bumalik sa pagtuon sa kinakain.

"Saan po si Tita Crisia?"

"Breakfast meeting with his co-designers, what about you? You are with your love for the whole vacation, Jade?" May konting galit sa narinig.

BOOK 6 - COVERTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon