CHAPTER 40

148 11 0
                                    

"If I have the belief that I can do it, I shall surely acquire the capacity to do it even if I may not have it at the beginning." - Mahatma Gandhi

*****

Ang boses ni Sapphire.

"Aside from us four, no one should know about the face revealed."

Bakit kasi pinakita pa?

"I need your presence for the elimination of the chosen ones."

Okay. Walang maghuhubad ng maskara kahit kanino man. Pero bakit kaya? Ano ang plano niya?

"Oi Nike." Ang pagsulpot ni Seroni, ang isa sa tatlo. Ang swerteng humawak kay Sapphire kagabi.

Sumulpot pagkababa ko ng sasakyan. Hindi ko siya pinansin, balak magtrabaho ng maayos dito sa agency.

"Alam na ng commander at aware na siya, sumang-ayon sa plano at kaming labing isa iyon muna ang ifofocus ng palihim," cool ang boses.

"So?" Wala ako sa mood.

"Anong so? Ireport mo sa kasama mo." Nawala ang coolness.

"Kahit wala akong sabihin ay alam na niya."

"Alam na?"

"Hindi ba nandyan si Frix? Obvious ba?" Iyon ang nabanggit kaysa sabihin monitored ang buong area ng agency. Tinalikuran ko ito at relax naglakad papunta sa backdoor mula sa underground parking lot.

"Akala ko ikaw ang espiya dito?"

"Hindi ako, nagtatrabaho ako dito ng matino."

Tumawa ng malakas, naagaw ang pansin ng ibang utility personnel sa isang tabi. "Matino? Hahaha!"

Sinipa ko siya, kaya napatuwad sa harapan ko. Galit nang tumayo at tumigil nang makita ang mukha ko, galit din. Kanina pa wala ako sa mood kaya kanina pa ako nagpipigil.

"Chill ka lang, MBD." Nakangisi na.

MBD?

Binulong nito, "Ms. Black Diamond," tapos tumawa ng malakas.

Sinipa ko ulit, tumilapon sa harapan ng isang nakatayo sa bungad ng mahabang pasilyo, si Loft. Nang tumayo ay pigil ang galit, lumapit at muling bumulong, "Hindi dahil isa kang MBD malaya mo ng sipain ak--"

Napatigil kasi napanganga nang makita ang sinalo ko galing kay Loft, isang bagay.

"Isasama ka ng grupo dahil sa suggestion ni Baru, approve ito ng commander."

Isang circle pin sa damit, ang logo ng NIA at kulay itim. Ang mayroon nito ay kabilang sa special troop.

"Hindi 'yan official at huwag mo ipagyabang sa iba, ibig sabihin sekreto ang lahat."

"Wow exciting ito," naiiritang sabi ko, "sekreto pero dito ka nagsasabi sa akin." Nilagpasan ko sila at pupunta sa opisina.

"Hindi dyan ang daan," pahabol pa.

Bumalik ako. "Mauna ka maglakad."

"Isang MBD walang sense of direction? Three years ka ng nagtatrabaho dito ha?"

Pinag-aralan ang basic information ko. "Ano pala favorite color ko?" Pasimple kong tanong habang naglalakad na patungo sa special room ng special troop.

"Bakit ako tinatanong mo?" Bumalik sa pagiging cool ang boses.

"Dahil alam mo."

Tumawa muna. "Green?"

Sinipa ko ulit, nakaiwas na.

"Hindi mo na ako makukuha ng third time." Nakangisi ng nakakaloko.

"Weh? Pero alam mo ba?" Pa-sweet kong sabi ng pabitin.

BOOK 6 - COVERTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon