"Nothing has such power to broaden the mind at the ability to investigate systematically and truly, all that comes under the observation in life." - Marcus Aurelius
*****
SA PAGLALAKAD para maghanap ng pahingahan.
"Pinayagan ako sa request ko, Jade."
"Congrats," nakangiti kong sabi. Kahit ang isip ay nandoon pa rin sa nangyari kanina.
"Ako ang nag champion sa girls division, bakit daw hindi subukan? Iyon ang sabi nila... excited ako!" Nakahawak pa sa braso. "Matalo man manalo ay ang Millicent pa rin ang nakakuha ng game for karate."
"Kilala mo na ba ang makakalaban mo sa boys?"
"Hindi pa," balewalang sinabi, "pero hindi ako kinakabahan, mas matindi pa sa kanila ang kalaban ko sa bahay," nakangiting sabi.
Kalaban sa bahay.
"Tara sa rooms, inaantok ako."
"Ayaw mo ba manood sa iba?"
"Mamaya na lang."
Walang regular classes kaya malayang naglalakad lakad sa bawat pasilyo ng nagtataasang gusali. Nagdesisyon pinasok ang isang pinto, naabutan may mga tao sa loob. Natigilan pagkakita sa amin.
Ang kaibigan ay nakilala agad ang kahapon na lalaking nakabunggo at agad nilapitan. "Kumusta ang sugat mo?"
"I'm alright... ikaw ang binti mo?"
"Ah nakita mo pala? Medyo nangangalay pero sanay ako sa ganito," nakangiting sabi. "May band aid ulit ako dito, gusto mo ba ng panibago?"
"Sige."
Gusto ko ng tumawa sa reaksyon ng ibang tao sa silid na ito, mga audience sa nakikita.
Kagaya kahapon ay nilagay ulit iyon ni Alen pero pansin may konting pag-iingat, ayaw yata dumikit ulit pero parang imposible yata iyan sa ngayon.
Nang matapos ay lumapit ang may singkit na mga mata. "Alen, may party bukas ng gabi akong pupuntahan... Ahm, ikaw ang naisip kong maging muse ko. I mean gusto kita maging date... tatanggapin mo ba?" Isang mahinahong boses.
"Kilala mo ako?" Inosenteng tanong.
"Oo, magkaibigan ang parents natin, hindi lang ako lumalapit noon," habang hindi inaalis ang titig sa kaibigan.
"Ahh, talaga? Pero doon sa invitation mo, sorry, may pupuntahan din akong party bukas ng gabi... sorry talaga."
Halatang hindi natuwa. "O-okay, maybe next time."
"Maybe."
Honest talaga ang kaibigan.
Medyo awkward sa pagitan ng mga babae sa tabi. Ito ang mga nakaaway ni Alen kahapon at uneasy ang mga anyo ng mukha.
"Yasu, I'm free tomorrow if you want I'm willing to--" Sa desperadong boses pero...
Pero hindi man lang hinarap. Ngumiti muna kay Alen bago kinuha ang gamit at umalis. Sumunod ang iba pa, dumaan sa harap ko ang isa at muling tumingin.
Binalik ko ang tingin sa kanya sa konting sandali hanggang makalagpas.
"Mio wait--"
"Nesh see you--"
"I will wait for your call--"
Pahabol pa pero parang walang mga narinig. Ang lalaking may band aid ay naiwan, nakatitig at malapit pa rin kay Alen. Tapos ay bigla hinawakan ang kaibigan sa kamay at hinila, naglakad papalabas sa ibang pintuan.
BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Action"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...