"A compromise is a bargain; a transaction of interests between two conflicting powers; it is not true reconciliation. True reconciliation proceeds always by a mutual comprehension, leading to some sort of intimate oneness." - Sri Aurobindo
*****
Pagkatapos ng party, sa uwian ay nawala na lang basta ang freak. Habang ako ay nagpaalam kay Alen, may balak pa akong puntahan bago umuwi.
Pupuntahan ang taong nagugustuhan ng puso simula ng magkaisip.
Sa mansion ng Marle ay sumalisi papasok. Kahit mahigpit ang security parehas sa tinitirahan ay may sariling alam kung paano makapasok. Iyon ay akyatin ng sementadong mataas na pader at tatalon pagkatapos. Pagkarating sa loob ng bakuran ay dumaan sa anino ng mga puno. Sa isang puno ay umakyat. Iyon ang ginagawang tulay papunta sa veranda ng second floor. Pagkaapak ay agad dumiretso sa nakahawing salamin na pintuan.
Madilim ang loob. Ginawang isanay ang mga mata mula sa pagkakatayo malapit sa bintana. Hanggang nasilayan ang anyo ng lalaking nakaupo sa mahabang sofa, sa harap ko mismo ilang hakbang ang layo. Mabagal humakbang papalapit habang nakatitig sa mga matang parehas ang ibinabalik. Pagkalapit ay tumabi ako sa kanya ng hindi nagdidikit.
"Hinawakan mo ako kanina," sa pormal na boses nito, walang saya o ano man emosyon sa pagkakasabi.
"Humawak ka rin sa akin," tugon ko.
Matagal walang palitan ng salita habang nakatitig sa isa't isa sa kabila ng dilim. Pero sanay na ang mga mata kaya mas malinaw nakikita ang seryosong mukha nito at hindi nagpapakita ng kahit konting affection.
Ito ang unang nagsalita. "Ano ang sabi sa iyo ni papa?"
Inilayo ko sa kanya ang tingin. "Gusto niya ako lumayo, pumunta sa malayong malayo," tapat kong sabi.
"Pumayag ka ba?"
"Hindi ako sumagot."
"Ano ang balak mo?"
Sa tanong nito ay pumasok sa isip ang kakaiba, pero ang sagot, "Hindi ko pa alam."
"Ano man ang desisyon mo... huwag mo ako iiwan."
Lumingon ako sa kanya. Wala man pakiusap sa tono pero dahil ang pagkagusto sa isa't isa ang dahilan. "May pabango ka pa ba?" Tanong ko.
"Konti na lang."
Inilabas ko ang mula sa sling bag sa likod ang dala para dito. "Tipirin mo ito."
Nakuha ang ibig sabihin. "Aalis ka?"
Inilayo ko sa kanya muli ang paningin, hindi kaya maging tapat sa isang bagay na hindi sigurado. "Huwag mo akong susukuan," ang tanging sinabi. Saka tumayo at humakbang paalis.
"Lynn."
Tumigil at lumingon sa pagtawag niya sa isa ko pang pangalan.
"Mag-iingat ka," sa mahinang boses.
Alam ko at parehas ng nadarama ngayon. "Ikaw ang una kong babalikan."
Ilang sandali nakatitig lamang, nang ako ang unang bumawi. Sa mabigat na pakiramdam ay nilisan ang lugar.
KINAUMAGAHAN sa sariling silid.
"Buti naman wala sa kahit anong tabloid ang nangyari kagabi." Pagkapasok sa loob ni Alen.
"Hindi mo pa nakukwento sa akin si Crom." Sweet ang smile ko para sa kanya.
"Si Crom? Ahh, siya ba? Anong ikukwento ko?"
"Siya ang binigyan mo ng band aid at nakalaban sa championship sa Richmond." Tumayo ako sa higaan at kinuha ang suklay, sinuklay ang mahaba at straight na buhok.

BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Action"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...