"I do not believe that we should insist that anyone, who is not with us, is against us." - Dean Rusk
*****
HINDI mapagkakaila ang kasiyahan nito.
Nagbago nang napatingin sa akin at tinitigan ako sa paraang inaarok ang kaloob-looban ng intestines sa tiyan ko.
"Tell me, ikaw ang nagpabalik kay mama sa amin?"
Nilabas ko ang mukhang natutunan kay Georgina. "Hindi ako," dahil si freak ang gumawa ng paraan at nag-request lang ako. Ang honor ay para kay freak.
"Matagal na raw nakaalis si mama sa pagkakakulong sa kanya, may nag-alaga daw sa kanya para gumaling siya pero hindi nagpakilala."
Baka si Rei Chu, alam din kasi ng taong iyon.
"Hindi ko alam pero ikaw ang nararamdaman kong gumawa ng paraan, Jade."
"Magkasama tayo palagi, ni wala na nga akong oras sa lalaking gusto ko, magkakaroon pa ba ako ng oras sa iba?"
Yumakap ng mahigpit. "Basta gusto ko magpasalamat sa lahat ng nagawa mo para sa akin, para kanila mama at papa."
"Kumusta na pala ang mama mo?"
"Palaging dikit sa kanya si papa. Sabi ng mga doctor healthy na raw si mama, magaling ang unang gumamot sa kanya kaya wala na silang ginawa maliban sa regular check up."
Hindi kasi titigilan ni Chu ang isang pasyente hanggang hindi gumagaling. Ika-copy ko nga ang pagiging masipag niya? Pero kailangan pa bang ika-copy iyon?
"Yun nga lang... dahil sa akin... hindi na siya talaga makakalakad." Napakalungkot ng mukha.
"Buti ka nga may mama, ako nga wala," nakangiti kong sabi, "di ba?"
"Tama ka Jade, pero guilty pa rin--"
Tumayo kasi ako bigla nang makita mula sa malayo ang isang lalaki at may kausap na babae, hindi mapagkakailang maganda. Nasa bungad sila malapit sa entrada ng training school na ito, ibig sabihin, bumibisita ang babae.
"Di ba si K 'yan?"
Napangiti ulit ako, lalo nang lumapit ang babae at hinalikan sa pisngi ang lalaki, nagpaalam at umalis.
"Hiwalay na kayo? Dahil ba sa akin wala ka ng oras sa kanya kaya meron na siyang iba?"
Wala naman naging kami. Nagkikita sa dilim dahil gusto namin ang isa't isa kaya walang masasabing kami. Ubos na kaya pabango niya? Gagawa na ba ako ulit? O hindi muna?
"Napapansin mo ba? Mabilis lumipas ang panahon?" Nakangiti pa rin ako.
"Oo pero Jade--"
"Marami pa ang mangyayari."
LUMIPAS pa ang maraming araw.
"Sa unang gabi ng bakasyon niyo, iniimbitahan tayo ng Luther Family para sa pagtitipon. May ipapakilala ako sa inyo na maaari niyong mapangasawa pagdating ng panahon," sabi ng ama sa harapan namin tatlo.
Hanggang ngayon ay pursigido pa rin ito. Ako naman ay pinapamanhid ang dibdib sa narinig dahil hindi iyan mahalaga, ang mahalaga ay mawala ang sakit dahil sa pagbabalewala ng babaeng piniling magustuhan.
Walang imik umalis sa harapan nila at muli, itutuon ang sarili sa pag-eensayo.
SA PAGTITIPON sa loob ng Luther.
Late na naman. Matindi ang wrestling namin ni freak at walang nagpapatalo. Ginamit ko raw ng walang paalam ang black volvo niya.
Sa pagkaalala ay pinaalam ko iyon.
BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Action"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...