KASABAY ang pagsipol ng napakalakas na pito.
Ako naman na nasa gilid ay nanood muna sa biglang paglaban ng dalawang tao sa harapan. Inalis ko rin sa kanila ang pansin, hinanap ng mga mata kung saan ang lalaking minamahal. Inihakbang ko ang mga paa para tumingin pa, hindi ko ito naisip kanina. Pahamak ang mga weirdo sa Sanctuary at inagaw ang concentration ko!
"Copycat... you even copied Frances's ability."
"Inggit ka lang," balik ko sa kanya dahil naglalakad ako ngayon ng walang nakakapansin.
"Duh!"
Nakita ko si Alen, mukhang nahihirapan huwag ipakita ang sariling istilo, katapat nito ay ang senior sa amin. Nilibot ko pa ang paningin, unang nakita si Kio, napangiti ako sa klase ng galaw nito - amazing.
May tumilapon sa tabi ko, alam ko na kung sino ang may gawa, gawain na niya iyan high school pa, si Mio.
Si Gin ang huli, dalawa ang katapat pero balewala lang dito, mga freshmen kasi ang dalawa.
Ano kaya? Mas maganda siguro kung huwag na lang gumalaw, ang sabi ay ang nanatiling nakatayo ay makakapasok sa second round.
Pero ang plano namin ni Alen.
Kaya pumili ako ng isa, ang isa sa five stars. Ito yata yung Dickey. Pinaalam kong nandito ako, sakto napaupo pa lang ang katapat nito kaya eliminated na. Ako ang libre sa malapit kaya ako ang sinunod.
Sumugod sa akin, flying kick at walang patawad. Inikot ko ang katawan para umiwas, lumagpas siya sa akin. Ang nahuhuling braso ay hinawakan ko at hinila ng mabilis kaya napabalik. Libre ang katawan nito dahil nakabukas ang dalawang braso. Ginaya ko ang galaw ng kaibigan, gamit ang isang nakabukas na palad at parang sa karate - tinapat ko sa tiyan, suntok na parang tulak ang ginawa. Umangat sa ere ang dalawang paa at napaupo malayo sa akin, malakas ang impact sa pagbagsak.
"That was two seconds, Lynn." Bilang ni Emerald.
Kasama ba doon ang pagsugod ng lalaki o ang pagsugod ko lang?
Sa pagtumba ng taong ito ay nagkaroon ng isang segundong katahimikan, nasundan ng ingay mula sa manonood.
"It's her!"
Yah, ako nga.
Pero kahit babae ako ay may isang grupo ang pumalibot sa akin, seniors ito. Nahalata na sigurong ako si Alen. Okay, this will be the start.
Sabay halos sila sumugod, kagaya nang nakita noon sa kaibigan kapag sabay ang mga katunggali ay ganito ang galaw. Hindi maghihintay dumating kundi magkusa ng kumilos mismo, para hindi pagkaisahan ay gawin isa muna.
"You can make it in one strike." Mula kay Sophia.
"I think she is copying somebody," sabi naman ni Acelus.
"One at a time ha?" Saad naman ni Cleofford.
Sa walong tao na pumaikot sa akin, isang klase ng move ang ginamit, iyon ay ginamitan ng paa, ang paraan ng karate. Iba't ibang klase kung paano tumama sa kanilang katawan. Ang pagkakaiba kay Alen ay mas malakas ang pwersang nilagay kaya sa isang tama ay bumabagsak sila sa sahig.
Nakapa-ikot sa akin ang walo, mga nakaratay sa sahig. Nagkaroon ng malaking space at nag-iisa akong nakatayo sa gitna nila. Saglit kong nilipat ang paningin kay Walden Arabis at malinaw sa akin nakatutok.
May sumulpot ulit, doble ang bilang. Napangisi ako nang makita ang isa sa mga ito at mahulaan ang hinala, isang professional killer.
Ano kaya ang kakayahan nito? Gusto ko malaman at copy.

BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Action"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...