"The misuse of great powers is no argument against their right use. To go back is impossible: the attempt is always, indeed, an illusion." -Sri Aurobindo
*****
Pinasunod kaming dalawa ni papa sa opisina niya. Tahimik naglakad ng mabibilis pataas at dumaan sa hagdan, pagkapasok sa opisina ay may ilang tawag muna ang inasikaso nito. Ako naman ay binalik ang hobby, ang pag-amoy kay Kor habang naka-upo kami sa sofa, nakayakap sa akin at hinahaplos ang likod ko.
Pumasok si Baru at tumayo ito sa harapan ng ama. "Apat ang namatay at dalawampu't siyam ang sugatan. Labing pito ay kritikal ang kondisyon." Tinatago ang halimaw sa loob at kalmado ang pinapakita.
Naikuyom ko ang kamao.
"At ang media?" Naninigas ang bagang ni papa, galit ang naroroon.
"Maliban sa report nilang sugatan ayon sa nakita nila sa labas ay wala pang kasunod. Napigilan sila malaman ang iba pa."
"Sino ang namatay?"
"Tatlong security at isang agent, lahat sila nasa puso tumama ang bala." Sinabi ang pangalan ng agent, kilala sa isa sa magagaling sunod sa troop.
Napahawak sa lamesa si papa, nanghihina ang anyo sa galit. "In twenty minutes, ipunin mo lahat ng opisyal sa meeting room."
Agad sumunod si Baru at lumabas sa opisina.
Sunod ay lumapit sa amin. "What happened, Jade?" Diretso ng tanong.
Sinabi ko ang dapat sabihin. Mula sa pagsulpot ng mga ito, kung ilan ang bilang, kaanyuan at ang nasa lobby at sa nasaksihang barilan, reporting ang style.
"Sino sila?"
"Hindi ko sila kilala." Sinalubong ko ang mga mata nitong parang hindi pinagkakaitan ng katotohanan.
"All the cctv pati ang control room ay sabog ang system. Gawain ito ng black diamond, so sino sila, Jade?"
Kaya umalis kami kanina sa tapat ng computer room ay baka may makakita sa amin na iba at tanungin ng ganito. Pero ang tanong ng ama, sasagutin ko ba? Marami akong edit at hindi sinabi ang buo, wala pa--
Naputol ang mabilis na pag-iisip dahil sa pagtunog ng cellphone, titled - Beauty and the Beast.
Toinks, poor combination para sa situation. Ang tumatawag ay sigurado ang beast at ako ang beauty. "What?"
"Open the laptop."
Humiwalay ako kay Kor at pumunta sa lamesa ng ama at ininda ang mapanuring tingin nito. Ginawa ko ang utos, nang matapos ang loading at pagkonekta ayon sa instruction ay nakapasok sa isang site, puro virus ang sumalubong. Halos hindi mapalagay ang mga kamay sa kakapindot sa keyboard. Isang mali ay tapos ang laptop na ito!
Then deleted! Saka lang nakahinga ng malalim.
Nagsalita ng mag-isa ang computer mula sa screen, may welcome message muna, hanggang sumulpot ang mukha ng pinuno ng may suot na maskara.
"Let me speak to your father."
Hinarap ko iyon kay papa.
"I need to wipe out and control the agency's systems. It will come back soon in proper order. I'm repairing it from the unwanted visitor. This is the video of what happened."
Mula sa screen ay pinakita ang labas ng agency, kung paano nakapasok ang mga nakaitim na iyon, quick at walang nakapansin. Tapos ang brutal na nangyari sa loob pati ang pagsulpot namin nila Loft at ang paghahabol sa akin ng pito at ang sagupaan namin sa hagdan at pagtakbo, habang nasa computer room naman ang tatlo. Biglang nag-pause...
BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Action"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...