CHAPTER 37

157 10 0
                                    

"Determine that the thing can and shall be done and then we shall find the way." - Abraham Lincoln

*****

Naibalik ang kamalayan nang may binuhos sa mukha, malamig at basa. Hindi ito maganda sa skin!

"Ang kasama mo ay isang secret agent. Ikaw ano ka?"

"Special agent ako," nasambit ko ang palaging sinasabi sa ilang taon na routine.

Nang maging maayos ang paningin ay nakitang halos bagsak na ang katawan ni Neah sa pagkakatayo, ang suporta ay kadena. May sugat ito sa pisngi ang natuyong dugo sa part ng noo.

"Hindi ka sinungaling. Pagsabihan mo ang kasama mo maging katulad mo. Alam mo ba sinabi niyang kaibigan ka niya at patakasin na lang?" Nakangiti ang boring na ito.

"Mabait kasi iyan," ngumiti rin ako, "ako hindi."

Kasabay ng pag-alis ng kadena sa dalawang pulsuhan ay ang pagkawala ng malay ng kaharap. Bago pa maitutok ang baril sa akin ng ilang kasamahan pa nito ay nasa harapan na nila ako, ang mga mata ng mga ito ay nawalan ng muwang.

Mahinang klase ang kadena.

Mas maganda ang sa mga kulungan ngayon ng gobyerno, mahihirapan ang isang katulad ko makatakas kung hindi handa.

Ang kaninang papel na sinunog ay nabasa ko ng mabilis, ang pinaka assignment dito ay hindi sugurin ang hideout kundi malaman kung ano ang mga nangyayari dito. Kumbaga, magmasid.

Nagmanman sa buong hideout nila at nakikitang maraming nagtatrabaho dito sa paggawa ng gamot. Ibig sabihin malaking sindikato ito. Walang dalang gamit, paano kaya makakuha ng data? Unprepared.

Bumalik sa pinanggalingan, inalis sa kadena si Neah at ginising. Nang bumukas ang mga mata ay maang lumilingon sa bawat sulok. "Asan sila?"

"Ewan ko. Nagising lang ako wala sila." Dahil tinago ko ang mga katawan.

Nagtatakang napatingin sa akin, sa mga kamay ko. "Paano ka nakawala?"

"Yan? Mahinang klase ang kadena nila... peanut lang iyan sa training. Tinuro sa amin iyan noong--" Nakatingala ako sa ere, inaalala kung naituro ba iyon o hindi.

"Baka isang taon pa tayo dito hindi mo pa maalala," inis na naman, "halika na."

Napapangiting sumunod ako sa kanya. Dahil walang gamit at naiwan sa sasakyan na hinanap pa namin ng patago ay saka doon lang gumalaw. Nagmatyag sa mga piniling tagong panig. Ilang beses madali pa mahuli, kung hindi lang napipilitan sa akin ay nakakadena na naman siguro kami o hindi kaya papatayin na. Buti na lang, napapasunod ko sa kawerduhan kahit parang sasabog na ang bulkan sa inis.

Hanggang sa tumunog ang alarm, hula ay nalaman ng nakatakas kami o kaya nahanap ang mga tinago ko. Pero sa gabing ito, hindi ako papayag hindi ito tapusin.

Sa reporting.

"Naging pabigat po siya sa akin," inis pa rin ang mukha, "nagpahuli po siya sa mga halimaw na iyon--"

"Atleast na recognize nila na maganda ka."

"Walang connection 'yan dito!" Napatahimik din nang bumalik sa reyalisasyong nasa harap ito ng isang Ranzo Marle.

Bakit kasi may ganito pa? Bakit hands on si papa sa akin? May gusto malaman? Matagal na akong tumigil mapaghinalaan o kung mayroon man gawin ay mas maingat.

"Jade."

Signal na tumahimik ako ayon sa pinapakitang anyo.

"Anong parte ang ginawa mo?"

BOOK 6 - COVERTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon