"Truth is not only vitiated by falsehood; may be equally outraged by silence." - Amien
*****
A silent sound came.
Tumayo ako mula sa kinauupuan, itinago ang phone na sana ay gagamitin para tawagan ang pinuno pero hindi nagawa. Dahil pagkatapos marinig ang katahimikan na iyon ay sumunod ang, mula sa hindi kalayuang distansya ay may natumba. Hindi nakikita pero narinig agad. Sunod ay may sumigaw, kasunod ang putok ng baril.
Hinakbang ang mga paa at pumunta sa harapan, sa lobby mismo ng agency. Nakasunod sa akin ang dalawa, pinagkakasa ang dalang baril ng mga ito. Bumungad sa amin ang pitong kalalakihan, ang kasuotan ay itim at makintab, ang mga mukha ay natatakpan ng maskara, istilo na parehas ng black diamond. Abot tanaw ang mga ito na parang walang mga kaluluwang pinagtutumba at pinagbabaril ang mga taong kanilang nakikita.
"Remove their guns," mahinahon kong sabi sa dalawa.
"Babarilin ko ang mga kasama mo?" Gulat ang mukha ni Seroni, susugod na sana pero dahil sa nasasaksihan ay napatigil.
"Hindi ko sila kilala." Habang naniningkit ang mga mata sa nasasaksihan!
Si Loft ay walang pasintabing itinutok ang hawak na baril sa mga iyon ayon sa sinabi, sunod sunod ang pagkalabit ng gatilyo, kasabay ng putok ay ang pagtilapon ng mga baril na hawak ng pitong nakaitim.
Tumingin sila sa dako namin.
Bumawi at nagsilabasan ang iba pang agent sa bawat pasilyo nang makita ang pagkakataon. Sinugod ang mga dayo at sinalubong ng walang takot. Naglalabanan ang mga ito at malinaw sa mga matang walang laban ang mga agent, ang kahit sinong lumapit.
"Let's fight them, Seroni, Loft," nakangiti kong sabi.
Tinatago ang lumalaking iritasyon dahil sa mga dayong iyan at dahil sa mga nakaratay na duguan. Maaring wala ng buhay ang ilan o pilit pa humihinga.
Wala silang takas sa akin!
"First time mo tinawag ang pangalan ko," seryosong sabi ni Seroni, naninigas ang mga panga, halatang nagpipigil at handa ng sumugod.
Mula sa balikat ni Loft ay may umagaw sa paningin, isang lalaking nakaputing polo at itim na pants. May suot na sunglasses at naglalakad na parang walang kaguluhan sa dinadaanan. May nakasunod dito na dalawang naka-itim kagaya ng pito. Ang pagkakaiba ay walang dalang armas at ang dalawang kamay ng nakaputing ito ay parehas nakasuksok sa bulsa ng pantalon.
Napangisi ako sa napansin. "That one, isn't he cool?"
"Sino?"
Huli na para makita nang lumingon ang dalawang kasama, nakaliko ang tatlo sa isang papasok na pasilyo.
"Susundan ko sila." Naglakad papunta doon. Bago makaliko sa dinaanan ng tatlong lalaki ay may humarang sa akin na dalawa.
Sina Loft at Seroni ang humarap sa mga ito. Bago inalis ang paningin sa kanila ay napansin natigilan ang dalawang may maskara dahil sa kakaibang galing na pinamalas ng kalaban nila.
Mahigit isang buwan akong napuyat para pagsanayin ang dalawang iyan, nakakairita naman kung walang improvement.
Liliko na sana sa pasilyong iyon nang makita at maagaw ang pansin ang isang babaeng umangat sa ere at tumilapon sa pader. Sa mga matang ito ay parang slow motion ang nasaksihan. Basta na lang gumalaw ang mga paa papunta sa babaeng iyon, napaupo at nakasandig sa pader, napayuko ang ulo.
Doon napansin kung sino ang babae, si Neah. Hindi nakilala agad dahil ang dating nakataling buhok ay nakalugay ngayon at natatakpan pa ang ilang bahagi ng mukha.
BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Action"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...