UMALIS ako sa kinauupuan at binalikan ang gamit namin ni Kor. Mula sa loob ng bag ay naglabas ng baril at tinago sa katawan. Gumilid sa hindi nakikita ng cctv habang nakamasid naman sa akin ang isa.
"Oi, ano meron dyan sa isip mo? Share naman dyan oh? I don't know what will happen pero hindi naman masama kung bigyan mo ako ng ideya, di ba?" Seryoso na ang isa. "Ano ba mangyayari--"
Nakatutok sa akin at napansin ang signal kong tumigil sa pagsasalita. Lumabas ako at sumunod sa akin, sa mabagal na paraan ay pinagmamasdan ang pasilyo at bawat departamentong dinadaan. Nakasalubong si Loft sa kaliwang pasilyo.
"Kanina pa ako naghahanap sa inyo?" Mainit ang ulo, tapos nagkunot noo ng mapansin ang pagkaseryoso ni Seroni. "Anong mayroon?"
"Hindi ko alam," mahina ang boses.
"Bakit ganyan mukha mo?"
Tanong para sa akin. "Ganito talaga ang mukha ko kapag seryoso ako," sinabi ko ang totoo.
"You give me creeps, MBD!"
"Maliban sa inyong dalawa ilan pa kayo ang nandito?"
"Kaming dalawa lang ang special troop na nandito kung iyon ang gusto mo malaman."
"Okay." Nagdesisyon umupo sa piniling pasilyo, sa sahig mismo at sumandal sa malamig na pader. Nagbibigay ginhawa sa likod para ikalma ang naghahabulan sa loob.
"Maraming upuan at--"
"Medyo hindi malayo dito ang entrance at exit. Pinababantay sa atin ang agency at ibig sabihin may mangyayaring hindi maganda kaya dito ang pwesto ko."
Natahimik ang dalawa, sunod ay ipinikit ko ang mga mata. Sa pasilyong ito ay hindi masyadong daanan ng empleyado kaya makakapagpahinga ng maayos at maririnig ang bawat ingay at kung sakaling tama ang hinala - hinala na pwedeng mali.
"Ang isang nagbabantay ay nasa cctv room o kaya umiikot sa lugar na ito at hindi yung nakaupo ka dyan at parang namamalimos."
Binuksan ko ang mga mata dahil maingay ang isang ito. Tumingin ako sa relos, lagpas alas seis ng gabi. "Ganito ang gawain ko, tatayo ako dito kapag nandyan na sila."
"Sinong sila?" Umupo sa harapan si Loft sa paraang hindi dumidikit ang puwetan sa sahig at mataman nakatitig.
"Hindi ko alam, malalaman kapag nagpakita na sila."
"Stop joking around."
"I am not."
Masamang tingin ang binato sa akin bago tumayo at naglakad papalayo, tumayo sa dulo ng pasilyo.
"Ano ba ang mangyayari, Nike?" Seryoso pa rin ang isa.
"Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kakaiba," naging tapat ako.
"Unaware? Sense of danger? Restless? Or ano?" Parang may explanation ito sa paraan ng pagkakatanong.
Hindi mapigilan ikurba ko ang mga labi. "Parang may balang paparating... na parang hindi ko alam kung sino ang matatamaan."
Napatitig sa akin si Seroni. Bumalik si Loft sa pwesto ko at tumabi mismo sa akin, feeling close. Ginaya ang pagkakasandal ko sa pader at ipinikit ang mga mata.
Sinundot ko ang pisngi nito. "Huwag ka matutulog, baka paggising mo wala ng paa si Seroni."
Parang walang narinig, ang isa naman ay napaismid at lumapit, kagaya ni Loft ay tumabi sa kabila at ginaya ang pagkakaupo ko, at pumikit.
"Baka mapagkamalan tayong love triangle dito," natutuwa kong sabi. "Mawawalan ako ng buhok bukas dahil dudumugin ako ng fans niyo at ang buhay kong matiwasay ay ilang buwan magkakaroon ng walang tulog tuwing gabi--"
![](https://img.wattpad.com/cover/22847878-288-k919210.jpg)
BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Aksiyon"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...