MULA sa pagkakadikit na ito.
Gamit ang dalawang braso ay mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa malambot na katawan. Para sa kung ano pa man, ito ang mahalaga ngayon.
Sa mahabang sandali, hindi ko inaalis ang mga braso sa kanya. Pumasok sa isipan ang mga inaalala nitong mga nakaraang araw. Isa sa ugali ay ang pagiging tapat sa babaeng nagugustuhan.
"Alam ko na ang nakaraan mo."
Akala ay lalayo sa akin at iiwan ako pero mas humigpit pa ang pagkakayakap. Hindi man maintindihan ay pinagpatuloy ko.
"Nalaman ko kay ate Lua."
Matagal bago nakuha ang sagot. "Kapag nasa mansion ka, alagaan mo siya."
Hindi ito ang inaasahang sagot pero iginalang ng puso ang narinig. "Kaya ba mas gusto mo iba ang trato natin sa isa't isa sa paningin ng iba ay dahil... dahil sa tunay mong ama?"
"Oo at marami pang dahilan. Sasabihin ko sa iyo sa tamang panahon, hintayin mo ang oras na iyon... huwag mo akong susukuan."
Ngayon lang narinig ang tinig na ito, nagmamakaawa sa akin. "Hindi ako susuko. Ako ang magiging proteksyon--"
"Si papa, mas kailangan niya ang proteksyon."
Tinitigan ako ng matagal, sa kabila ng dilim at konting liwanag ang nababanaag dahil sa pagkakakapit ng mga mukha. Nakuha ko ang nais niya. Buong puso tinanggap ko ang nais ipahiwatig. Bigla nito inalis ang pagkakayakap, tumutol lahat ng hangarin sa katawan pero nawala agad dahil ang dalawang palad nito ngayon ay pumunta sa magkabila kong pisngi.
"Marami pa akong pabango na gagawin para sa iyo."
Ito ang isa sa mga salitang gusto marinig. Nagpapatunay ang mas lalo pang pinagtitibay ang pagkagusto sa isa't isa.
Hinawakan ko ang dalawang kamay, sana hindi tumanggi, sana pumayag. Walang pagmamadali hinila ang mga iyon papalapit sa akin. Tapos ay giniya ang katawan niya upang umupo. Nang magawa ay muli, niyakap ko siya mula sa gilid at marahan dinikit ang ulo ko sa kanya.
"Pangarap ko itong gawin noon pa," tapat kong sabi. Sa tuwing magkakatabi sa isang upuan ay ito ang pinakanais mangyari. Pinikit ko ang mga mata at dinama ang katawang niyayakap habang sinasamyo ang nakaka akit na amoy ng buhok, hindi napigilan idikit ang mga labi sa mga iyon .
"Gusto ko rin."
Nasiyahan ulit ang puso sa narinig kaya hindi ko siya pinakawalan pa.
ANG aking craving. Nasobrahan yata, overdose?
Ang lalaking iyon, palagi interesting ang nangyayari sa pagitan kahit simple ang lahat.
So, alam na niya?
Mas magiging komplikado ang lahat, dahil higit sa lahat ang taong iyon ay ang pinaka-ayaw kong madamay sa mga bagay na nangyayari sa buhay ko.
May napansin isang tao, sa madilim na parte malapit sa bintanang nilabasan kanina. Nakilala agad kung sino ito.
"Saan ka galing?" Tanong sa mahinang boses.
"Sa lalaking gusto ko."
"Si K--"
Tinakpan ko agad ang bibig niya. "Alam kong alam mo kaya huwag mo ng sabihin," simple kong sabi.
"Bakit ayaw mo ipaalam? Kami ni Crom ay open sa public, gusto ko itago sa lahat dahil hindi pa handa pero maraming mata sa paligid at--"
Dahil tinakpan ko ulit ang bibig niya. Malayo pa man ay narinig na iyon. Ganito na kalakas ang pakiramdam simula ng mabuhay sa islang puno ng masasamang nilalang. "Kailangan na natin bumalik sa loob," bulong ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Action"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...