"Hold on to the centre and make up your mind to rejoice in this paradise called - life." - Lao-tzu
*****
SA PALIHIM na paraan.
Mula sa malayo ay nakamasid ang magkaibigan at pinagmamasdan ang kanilang anak, masaya sa kanilang pagsasanay. Ang isa ay nasa kanya ang atensyon ng karamihan samantala ang isa kahit nasa tabi mismo ng agaw atensyon na dalagita ay walang masyado nakakapansin dito.
Pinagmamasdan ang bawat galaw at ang pinapakitang anyo ng mukha. Hindi pa rin mapagkakailang mga dalagita pa ang mga ito at hindi magkakamaling may ginagawang kakaiba.
"Hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip kung papaano?" Saad ni Eleas Luther.
"Parehas tayo."
"Ni isang salita o ano pa man hindi ko pinaalam sa anak kong alam ko, walang duda nalaman niya dahil kay Jade." Hindi pa rin inaalis ang titig sa dalawa.
"Hindi umaayon sa bata ang mga plano ko para sa kanya," malamig ang tonong iyon, "ngayon ay pinakita niya mismo na siya ang gumagalaw para hindi ako sundin."
"Alam ko na kung kanino nagmana ang batang iyan, sa mapangahas niyang ama mismo."
Malamig na titig ang binalik sa kaibigan. "Wala pa bang lead kung saan galing ang anak ko?"
"Ni isang bakas wala, napapanis na yata ang kakayahan ko Ranzo."
"O baka talagang binura lahat ang ebidensya."
"Anong ibig mong sabihin?" Nakakunot noong tanong agad ni Eleas.
Hindi tumugon, masyadong malalim ang iniisip.
"Basta na lang nagpakita ang anak mo dito, nawala ng isang taon at ni isang salita kahit hanggang ngayon ay walang sinasabi sa iyo. Baka may sinabi ka kaya naging ganyan ang bata?"
Mas lalong walang tugon ang natanggap, pero nagbago ang pinapakita ng mga mata, naging malambot at nawala ang lamig.
"Kung alam niya kung sino si Kisse Euta, siguradong alam niya rin ang nakaraan. Siguradong maiintindihan niya ang ginawa mo at..."
"Ano?"
"Akala ko hindi mo ako pinapakinggan."
Naging malamig ulit ang titig nito, tumawa ang isa.
"At... gusto ka niya tulungan."
"Paano mo iyan nasabi?"
"Hindi ko man makuha ang lead kung ano nangyari sa kanya sa nakalipas na taon, nakikita ko naman ng malinaw ngayon ang nangyayari. Sa tingin mo, kung kilala niya ang reyna, ibig sabihin kilala niya rin ang pumatay. Ngayon, ni isang nangyayari dito sa training facilities na ito ay limitado ang nalalaman natin simula ng hawakan ito ni Walden, pero ano? Ano ang nangyayari ngayon? Wala pa tayong ginagawa maliban sa pagpasok ng mga anak natin dito... pero bakit nangyayari ang mga ito sa paligid sa ilalim ng pamamahala niya? Sa tingin mo, sino ang nasa likod nito? Konektado ba ang anak mo dito?"
Pinakatitigan nito ang anak na nakangiti habang nanonood sa demonstration sa harapan nito.
"Maliban sa anak ko, sabi ni Lasu, kahit simple at hindi pansinin ang anak mo ay malinaw para sa kanya matalino si Jade o baka higit pa. Sa dami ng taong nakilala natin sa trabahong ito, iilan lang ang kakaiba at lumalagpas sa highest expectation, isa rin ba si Jade doon?"
"Lumalayo ka na, Eleas."
"Hindi masama tumingin sa ganoong bagay Ranzo... malay natin. Lumaki sa poder ko ang anak mo at may napansin ako, iyon ay ang pagiging receptive niya. Kung subukan mo kaya ibalik sa poder mo si Jade, malalaman mo ang sinasabi ko."

BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Action"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...