NASA daan pabalik nang magsalita si Seroni, "Sorry, hindi ko dapat sinabing sinadya mo. Mali, dahil nang nagpaputok ang kabilang panig... hinarang mo ang katawan mo sa amin at hinarap silang nakatayo. May nakalusot lang na isang--"
"Ilibre mo ako ng snack bilang kapalit," nakangiti ko ng sabi.
"Sorry, Jade," sabi naman ng driver, may ibinibigay itong lollipop.
Kinuha ko iyon agad at inalisan ng balot saka sinubo. "You're forgiven." Minsan lang humingi ng apology ang isang Baru Dex, tanggapin na.
"Lollipop?" Nakataas ang dalawang kilay ni Seroni, napapagitnaan namin ang walang malay na babae. "Dahil sa matamis na 'yan?"
"Fruit jelly ang ibigay mo sa akin, gusto ko galing sa Shuwishi shop," sabi ko kay Seroni. Iyon ay ang sikat na bilihan ng matatamis. Suki kami doon ni Georgie.
Napakamot ng buhok. "Mahal dun, pwedeng lollipop na lang din?"
Triple kasi ang presyo. "No. Fruit jelly ang gusto ko, masarap iyon at healthy." Saka sinipa ko ang likod ng passenger seat. "At ikaw naman," tukoy ko sa niligtas kanina.
Gumalaw ang nagkukunwaring tulog, galit ng pilit ng lumingon.
"Mango jam sa malaking garapon ang hihintayin ko sa'yo," sabi ko pa.
Walang imik bumalik sa pagkakapikit. Iyan ang tinatawag na pride.
Nang makabalik sa hideout na itinalaga ay doon dinala ang dinakip na babae. Ako naman ay nagdesisyon umuwi sa tahanan ng ama. Akala ay walang kasama para sa gabing ito, pero ang naabutan ay nandito ang tatlo. Parang walang mga trabaho?
Hindi ako tumingin sa mga ito. Walang imik hanggang sa kumain kasama nila at nandito rin ang ina ng tahanan. Si papa ay panay ang tanong sa akin kung ano nangyari sa unang strike namin kanina. Ang sinasabi ko ay itanong na lang sa mga kasama ko at para tumigil ay sinabi sa malinaw ang salitang - menstrual period kaya wala ako sa mood.
Tumawa si Tita Crisia, sumimangot si papa at ang tatlo ay mga tahimik pa rin.
Hindi naman iyon ang dahilan, ang kinawawalan ko ng gana ay ang pagbabalewala sa akin ng isa. Matagal kami hindi nagkita at nagkasama pero ito ang salubong sa akin!
Nang matapos kumain ay inalisan ko sila at naghintay ng mahabang sandali pero hindi man lang pumunta sa silid ko ang taong iyon. Kaya nagkusa gumalaw at lumipat sa silid nito. Ang naabutan ay nag-eempake at paalis na.
Nakitang mga nakaayos ang pagkakatiklop ng damit bago sinarado ang malaking bag. Hindi man lang tumingin sa akin kahit nasa harapan niya ako.
"I miss you," sabi ko.
Walang sagot. Naghubad at pinalitan ang suot na tshirt, kita ang malaking pagbabago sa katawan, hindi maipaliwanag kung gaano iyon kaganda sa paningin. Napahugot ng malalim na paghinga. Nang makabihis ay kinuha ang bag at pumunta ng pintuan.
Doon ako gumalaw para pigilan. "Avoiding me?"
Tumigil sa harapan ng pinto, hindi man lang tumingin nang magsalita, "Sa limang taon ni isang pabango wala ka ng ginawa para sa akin."
Natigilan dahil doon.
"Nakakulong na si Walden Arabis pero wala kang ginagawang hakbang para ipakilala ako sa papa mo at sa lahat."
Mas lalong natulos sa kinatatayuan, ang boses nito ay hindi kagaya ng dati, wala ang pagmamahal, parang nakikipag-usap sa akin bilang... ordinaryo?
"At mukhang lahat ng lalaki, balak mong makarelasyon."
Binuksan ang pinto, marahang sinara pagkatapos.
Hindi man lang nakagalaw ang sarili para pigilan ito.

BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Acţiune"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...