"Many of the truths we cling to, depend greatly on our point of view." - Obi-Wan Kenobi
*****
COMPUTER naman ang pinaharap sa akin.
Sa gabay ni Emerald ay tinuruan ako kung paano, istrikto buti na lang nakukuha ng sariling isip. Nakakatuwa ang ginagawa ngayon. Ganito pala ang gagawin sa hacking, ang pumasok sa system ng iba at makita ang software ng buong buo, maraming data at nag-eenjoy sa pag-aaral.
"Mabilis ka matututo," puna nito.
"Thanks. May gusto pala ako pasukin, Emerald," request ko.
"Pagkatapos mo pag-aralan lahat at pati na rin sa lahat ng klase ng sasakyan kung paano magtrouble shooting saka kita papayagan."
Ha?
"Halika na."
Sumunod ako sa kanya.
Pero hindi lang pala iyon ang gagawin, sinabay pa ang home school. Dapat daw ay mapagtuunan ko ang pag-aaral at makatapos ng highschool sa tamang edad.
Umabot sa isang buwan bago nakuha ang request kaya lang habang ginagawa iyon ay may tumabi sa akin.
"Long time no see." Si Sapphire, nakasunod dito si Frances pati na rin si Emerald.
"Yeah," balewala kong tugon. Mula nang magkaharap ay ngayon lang muli nagkita.
"How's the gathering and accumulations?"
Alam ko ang tinutukoy niya. "Great, I perfectly acquired them to myself," nakangisi kong sabi.
"Then let me see it." Nakatitig na parang nababasa lahat ng meron.
Nakipagtitigan ako sa kanya.
"Alright, some other time. Then I have something for you." Umupo sa katabing computer. Mabilis ang kamay sa keyboard at ang screen ay maraming pinapakita.
Lumabas sa harapan ang nais malaman, ang sadya kung bakit ako nandito sa harap ng computer, si Sapphire na mismo ang gumawa at naghanap.
"This person is the reason why your mother died."
Napahawak ako ng mahigpit sa lamesa sa harapan.
Nagpatuloy ito, "His name is Walden Arabis. The case was closed because of the lack of evidence. This file we acquired is hidden from the most top-secret files from Commander Ranzo Marle itself. He secured the case, and it's like he does not want the public or the inside of the agency to discover its existence. Why though?" Nakatitig muli.
"Personal reasons niya," mahinang sabi ko.
"You are not his adopted daughter but rather his only biological daughter."
Straight to the point.
"Is it this way of hiding you from danger, from Walden Arabis itself?" Tanong ni Emerald.
Pinakatitigan ko ang larawan ng tinutukoy nila. Kagaya ni Uncle Eleas ay kaibigan din ito ni Ranzo Marle, nagkaroon ng alitan ang dalawa at iyon ang parte na hindi ko alam ang dahilan. Ang espekulasyon ay marahil konektado sa aking ina.
Ang ama ni Ate Lua ang siyang nagbabantay noon sa aking ina na pinagbubuntis ako. Ang kwento sa akin ay girlfriend daw ni Ranzo ang aking ina at nang nabuntis ay tinago mula kay Walden hanggang sa ipanganak ako.
Tinago mula sa lahat ng isang Ranzo ang pagkakaroon nito ng anak. Hanggang sa namatay ang aking ina at ang ama ni Ate Lua, ako na sanggol pa lamang ay nabuhay sa kamay ni Ranzo. Pinalabas na ampon nito pagkaraan ng ilang taon at pinakilala sa iba bilang Jade Lynn Nike, apelyido na hindi ko alam kung saan nanggaling.
BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Action"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...