CHAPTER 14

170 9 0
                                    

"People only see what they are prepared to see." - Dalai Lama

*****

PANIBAGONG araw.

Iba't ibang anyo at antas ng pamumuhay ang mga nais sumubok at magsanay para magbigay serbisyo sa bayan, matulungan ang mga nangangailangan, magbigay proteksyon sa nasasakupan at ibunyag ang mga natatagong lihim na gawain ng ilan.

Nagkaroon ng malaking pagtitipon ng indibidwal sa isa sa mga malalawak na pagdarausan kung saan kayang okupahin ang mga bagong parating na nais sumubok.

"Ilan kaya dyan ang makakatagal?"

"Sa tingin mo?"

"Nang dumating tayo dito halos umabot tayo sa apat na numero, ngayon dalawa na lang."

"Sa loob ng isang linggo, makikita agad kung sino ang matitibay."

Nagsitahimik nang dumaan sa harapan nila ang isang grupo, binubuo ng matataas na opisyal.

"Ang bago natin commander sa school na 'to."

"Rinig ko wala raw sinasanto 'yan, kahit pinanganak ka na may ginto sa bibig."

"Makikita natin."

Tumigil ulit ang usapan dahil paparating din ang grupo na kilala bilang magagaling at palaging nakakatanggap ng parangal mula sa mga commandant nila.

"Gusto ko mapabilang sa grupong 'yan. Kahit ang mga graduating ay binibigyan sila ng pabor palagi. Binibigyan na sila ng mga totoo at mabibigat na assignments. Balita ko wala pang paltos ang mga 'yan."

"Kung mapabilang ka man dyan, may taning na buhay mo. Lahat ng makakabangga mo ay nakatingin sa--"

"Mga takot lang ang nag-iisip nyan, baka baliktad? Lahat ng makakabangga nila ay titingala sa kanila--"

"Sorry po, saan po ang comfort room dito?"

Naputol ang lihim na usapan na iyon ng trainees dahil sa pagtatanong ng isang babae. Maganda at inosente ang mukha lalo na ang pares ng mga mata, nais lamang malaman ang sagot sa tanong.

"Hindi ka ba nagbabasa ng signboard? Doon di ba?" Asik dito ng isa sabay turo ng makabalik sa katinuan.

"Saan po dyan?" Nakatanaw kung saan nakaturo ang lalaki.

"Doon di ba sa--"

Natigilan dahil wala ang signboard na tinutukoy. Nagtataka ang ilan, hindi lang iyon, mas lalo sila naguluhan at nagkakandahaba ang mga leeg sa paghahanap.

"Lahat ng post o signs ay wala pre."

"Pinatanggal ba lahat?"

"Bago ang break natin mga nandyan pa 'yan di ba?"

"Bakit wala na po ngayon?" Curious ulit na tanong ng babae.

"Hindi namin alam pero sa daan na 'yon ang papunta sa comfort room." Tinuro sa babae.

"Salamat po!" Parang nabigyan ng candy ang mukha at masayang umalis.

"Inosente pre, cute pa."

"Ang lambot tingnan. Kung ganyan ang kalaban ko sa training ay baka ako na ang sumuko." Sabay tumawa.

"Mas nakakatakot masugatan."

"Tara sa cafeteria. Sa greenies naman ang focus ngayon kaya may free time pa tayo."

Samantala, sa pagtitipon ng mga mataas na opisyal sa lugar na iyon.

"Sir Walden Arabis, our new commander of this federal training school."

BOOK 6 - COVERTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon