CHAPTER 43

151 10 0
                                    

"I am burning. If anyone lacks tinder, let him set his rubbish ablaze with my fire." - Lao-tzu

*****

Mula naman sa trabaho.

"Sa new year pa tayo pwede magkaroon ng day off. Paano pa ako sasagutin ng nililigawan ko kung panahon nga ay wala!" Reklamo ni Seroni.

Nagtipon kami dahil malapit ng maisagawa ang pinakaplano at mailabas kung anong klaseng tao ang target na si Elisimo Bebon.

Ako naman ay tahimik habang pinagmamasdan ang ibang natitirang gawain, hanggang may napansin na nalagpasan, ginuhitan ko iyon at ibinigay kay Baru Dex. Napakunot noo ito nang mabasa. Bago matapos ang secret meeting ay nilabas ang iritasyon at lamig ng tono sa mga tinalagang nagbibigay ng proteksyon dito sa agency na sina Gin at Piro.

Pagkatapos ay naiwan kaming dalawa. "Saan mo gusto kumain?"

Minsan lang magyaya, igrab ko na. "Sa Shuwishi--"

"Proper dinner hindi mga tasty food."

Nagtanong pa. "Sa pad mo na lang, paglutuan mo ako." Matalim ang titig ang natanggap galing dito.

"You're not my type."

Ouch naman. "But I like you. Noon pa, niligtas mo buhay ko, di ba?"

"Forget the dinner, you seem to get back to playing games."

Napangisi ako. "Kasi niyaya mo ako."

"Prepare yourself," iyon ang sinabi.

Ibig sabihin ay ililibre pa rin ako.

Nakasunod ako sa kanya paglabas, hindi inaasahan naroon mismo sa labas ng pinto ang lalaking hindi ako pinapansin at hindi ko rin binibigyan ng panahon. Nakabawi ang atensyon at hindi ko siya binigyan ng tingin, binalewala rin ang iba pang naroroon.

Lumabas kaming dalawa at kumain sa isang fastfood. Akala ay sa mamahaling restaurant o kaya seaside. Mas kuripot pa ito kay Seroni.

"Sapphire wanted to control the special troop that's why we are doing this?" Tanong ko kay Dex.

Iba ang sagot. "Ang pitong hindi nakakaalam, hindi nila pansin nag-uumpisa na sila magtrabaho sa ilalim ng grupo natin," habang nasa malayo ang tingin.

"Ano ang purpose?"

"Extension of power."

Nakipagtitigan sa akin, ako rin sa kanya. Ngayon lang napansin maganda pala ang mga mata nito. Nangalumbaba ako sa harap niya, hindi pinansin ang pagkain sa harapan. "Ang gwapo mo pala, Dex?"

Ang hindi inaasahan ay ngumiti habang hindi inaalis ang titig. "About your man, nasa paligid siya."

Nawalan ako ng gana at pinagpatuloy ng walang imik ang pagkain.

Iniba nito ang usapan, nilipat sa trabaho. Ako naman ay nakikinig at binalewala kung nandyan man sa tabi ang isang iyon.

Nagpatuloy pa lumipas ang mga araw hanggang dumating ang besperas ng bagong taon, bago dumating ang gabi ay nasa likod na ng rehas si Elisimo.

"Dalawa ba naman MBD ang gumalaw... scary!" Bulong ni Seroni bago maghiwalay.

Hindi kagaya ng Christmas ay nakatakas pero ngayon ay hindi, pinatawag ako mula sa itaas at pagkarating sa opisina ay hinawakan ni papa ang kamay ko ng mahigpit at hindi binitawan hanggang hindi kami makauwi ng mansion.

Desperado?

"Sa akin mo ibigay ang oras mo at hindi sa iba," habang pauwi.

Kompleto ang naabutan sa mansion. Abala ang mga kasambahay at masaya kahit pagod si Ate Lua ng hindi nawawalan ng ngiti. May isa lang ang sobrang malamig ang pinaparating sa akin, at muli, hindi ito binigyan ng pansin na parang hindi nag-eexist.

BOOK 6 - COVERTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon