CHAPTER 8

28 0 0
                                        

HINDI ko siya pinansin pero bigla akong hinila sa isang tabi, may dumaan security agents, parang may panganib sa paligid.

"Napapansin na nila." Nakangisi pa ito.

"Lumayo ka sa akin baka madumihan ako," sabi ko.

"Shut up. Kung hindi lang sinabi ng pinuno ipakita sa iyo baka kanina pa kita hinulog sa bintanang ito." Dahil may katabing malaking bintana at tumingin sa labas. "Tingnan mo ang gazebo." Tinuro iyon.

"Anong meron dyan?"

Lumayo ako sa kanya ng konti, napansin agad nito kaya nainis at walang pasabing umalis.

"Hoy," tawag ko.

Pero nawala sa paningin kaya sinundan ko siya dahil hindi sa susunod ako sa freak na iyon kundi dahil ang tinuro nitong gazebo ay nandoon ang asawa ni Ranzo Marle, si Crisia Loper. Nakita ang kulot sa dinadaanang pasilyo pero... pero parang hindi ito napapansin ng iba? Kakaiba ang presensya.

Nawala ulit sa paningin pagkaliko. Nawala sa buong palapag. Dumaan sa dulong hagdan, bumaba at lumabas sa exit door papuntang bakuran. Ang sariling lakad ay para hanapin ang kulot at pumuntang gazebo. Papaliko na para makita ang pakay nang may humarang sa daraanan. Isang babaeng nakasuot ng tshirt at maong short na itim.

"Dito lang tayo, mas kita dito ang gagawin ni Georgina."

Hindi man lang tumingin at nagsalita na parang close kami.

"Sino ka?" Kaedad ko yata ito.

"Ako si Shinn, kaibigan ko si Georgina." Sumandal sa pader at tumingin na.

"Anong gagawin ng kaibigan mo?" Isa rin pala ito sa mga kakaiba, walang duda, kakaiba kasi ang presensya.

"Nararamdaman mo ba ng malakas?" Nakatitig na parang laser.

Parang nababasa ako. "Ang alin?" Tanong ko agad, connected ba sa isasagot?

"Ang pagiging kakaiba namin."

"Ramdam naman ng lahat. So ano ngayon?"

"Weird ang tingin ng iba, pero para sa iyo ay mas malalim ang ibig sabihin. Kung ganoon makakasabay ka."

"Anong makakasabay?"

"Tinatawag namin itong sense of rhythm, sa training mas matutunan mo ang ibig kong sabihin."

Matalinhaga.

"Nag-uumpisa na siya," sabi pa habang nakatingin sa gazebo. "Tingnan mo maigi."

Tumingin ako doon, hindi para sumunod kundi malaman kung ano ang makikita. Nawalan ng liwanag sa kapaligiran at sa loob mansion. Ang kaninang maliwang kahit sa labas ay wala na.

Nagkaroon ng ingay.

"Huwag mo alisin ang titig sa gazebo."

Titig? Sa kabila ng dilim ay natitigan iyon. May naaninag ang mga matang ito - ang mga shadow at may isa pa.

Maganda ang galaw!

Nagtumbahan ang mga anino sa gazebo pero may isang natira sa pagkakatayo. Ang isang iyon ay gumalaw at lumalapit sa amin hanggang nasa harapan ko na.

Mabilis!

"Panget, kahit sa dilim maliwanag ang katotohanan."

Nakakairita talaga ang boses nito, kahit nabilib ay mabilis nawala. "Kakilala ko ang isa sa natumba, bakit mo ginawa iyon?"

"Hindi ka lang panget, bingi at low gets din, triple turn off ka na. Kung mabilis pick up mo sana alam mo kung ano pakay ko," sa mataray na tono.

Nakuha ko na. "Nakuha mo ba?"

BOOK 6 - COVERTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon