CHAPTER 1

308 10 0
                                        

"Could we change our attitude, we should not only see life differently, but life itself would come to be different. Life would undergo a change of appearance because we ourselves had undergone a change of attitude." - Katherine Mansfield

*****

Ang unang araw.

"Freak!"

"Useless jerk!"

"Pest!"

"Get lost, bitch!"

Napayuko ako sa mga narinig. Inaabot ang gamit sa nanlalabong mga mata habang nakaluhod sa marmol na sahig. Hindi pinapansin kung marumi ba iyon o hindi, ang nais ay makaalis sa harapan ng mga taong ito.

"Pathetic fool."

"Pasalamat ka 'yan lang inabot mo, basura."

"Sa susunod tumingin ka sa daan kung ayaw mo sumabog ang panget mong mukha!"

"Kung ako sa'yo girl, gawin mong slave 'yan para may pakinabang."

"Slave? Nevermind. Ayoko nga lumapit 'yan sa akin... ew."

"Forget about that, tara na sa ating reserve seats. Let us not waste our time here."

Sa wakas, may nakapa ang kaliwang kamay, agad iyon hinablot papalapit sa akin at niyakap ng mahigpit. Bago tumayo, gamit ang kanang kamay ay inaayos ang nagulong buhok at sinuklay iyon. Pagkatapos, pinunasan sa likod ng palad ang pisngi na may konting basa mula sa pagtulo ng isang patak ng luha. Nang masigurong maayos ang anyo ay huminga muna ng malalim bago hinakbang ang mga paa, tumayo at naglakad ng marahan. Alam marami ang tao sa paligid, maraming mga mata ang nakatingin at maraming bibig ang nagbubulungan.

Ang mga paa ko ngayon ay patungo sa de salaming exit door ng auditorium. Gusto ng makalabas at makaalis sa lugar na ito pero bago magawa ang nasa isip ay hinarang ako ng ilang estudyanteng nakaharang papalabas. Pagtingin ko sa kanila ay naaninag ang mga mukha, mga student ng school na ito.

"Bawal lumabas, mandatory ang attendance at hindi ka makakakuha ng clearance sa finals. Ganyan ang instruction sa amin ng facilitator ninyo."

"Kailangan ko ng umalis," sabi ko sa mahinang boses.

"Hindi nga pwede, unless may sakit ka o emergency."

Ano nga ba pwede ko pang-emergency?

"Mag-uumpisa na, kung ako sa iyo mag-stay na lang ako."

Pagkasabi ay hindi na sa akin ang atensyon, parehas din ng iba. Nakatingin sila lahat sa unahan, parang inaabangan ang mangyayari. Ipipilit ko sana ang gusto nang wala ng pumansin sa akin, ni tumingin man lang.

"Tingnan mo, papansin talaga 'yang mga Jellies na 'yan..."

"Shh, baka may makarinig sa'yo, maraming tenga sila sa paligid."

"Ano naman?"

"Just shut your mouth."

"Takot ka na rin sa kanila?"

"Iwas gulo lang... be wise."

"Bahala ka... umiinit dugo ko--"

Tumigil ang narinig kong usapan malapit sa akin dahil sa panibagong ingay na pumasok sa tenga, galing iyon sa harapan at medyo malakas at masasaya. Paglingon ay nakita, may grupo ng kalalakihan ang naglalakad papunta sa mga bakanteng upuan sa unahan. Magaganda ang mga mukha at porma ng katawan, mga agaw pansin.

BOOK 6 - COVERTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon