"Freedom is my birthright and I shall have it." - Lokmanya Tilak
*****
Kaparehas ko ay sumilay ang ngiti, nagbigay muna ng isang madiin na halik bago nagsalita, "Mas gusto ko hawakan ang kamay mo sa harap nila at ang halik ay tayong dalawa lang."
"Sa susunod--"
"Gin! Anong ibig sabihin nito?" Gulat ang nasa mukha ni Tita Crisia, mas lalo ang nakasunod dito na si papa.
Hinawakan ni Kor ng mahigpit ang kaliwang kamay ko. Mahinahon ko sila hinarap at ako ang sumagot sa tanong, "Gusto ko po ipakilala sa inyo... ang lalaking minamahal ko."
Nagkaroon ng bulungan, ibig sabihin ay bumalik ang ingay.
"Jade?" Ang mga mata ng ama ay nakatulala sa amin at palipat lipat, hindi malaman ang sasabihin o ang nais iparating.
"Kailan pa ito? Gin?" Tanong ulit ni tita.
Mahinahong nagsalita akong muli para sagutin ang tanong, "Matagal na po, mula highschool," dinagdagan ko pa, "thirteen years na po kami sa taon na ito."
Bago pa makapagsalita ang ama ay sumingit ulit si tita, "Ang mga mata mo... Jade." Napansin na nito ng malinaw.
Pagtingin ko sa iba ay ganoon din ang titig nila, kagaya ng pagpasok kanina ay hindi maalis ang paningin sa akin. Malinaw ang mga naiisip ng mga ito ayon sa naiintindihan ng pakay ko dito.
"Wala po akong suot na contact lenses, tita." Ngumiti dito ng matamis. "Color green po ang natural na kulay ang mayroon po ako," direkta sa napansin nito.
"Jade, halika na." Parang nagising sa kung ano at nagbago ang anyo, hinarang ni papa ang sarili sa mga tao at tumitig, humawak sa kamay. "Huwag, Jade." May takot sa mga mata nito.
"Ranzo." Nasa tabi na nito si Uncle Eleas. "Doon na kayo dumaan sa backdoor," urgent ang boses nito.
Nang hilahin ang kamay ko paalis ay hindi ko ginalaw ang sarili sa kinatatayuan. "Sabihin niyo muna sa akin kung bakit." Pinakita ko ang ugali.
May mga mabibilis na hakbang papalapit sa pwestong ito.
"Please anak," pabulong iyon, "magtiwala ka sa papa."
Susundin ko na sana ang pakiusap nang mapansin iyon.
Naglabasan ng baril ang may mga tinatago. Iyon ay ang sa parte ng nakilalang pamilya ng Hetti, ang mga tauhan nito at nakatutok sa amin. Pero kasabay ang galawan ng mga ito ay ang special troop, pumaikot sa amin bilang proteksyon sa kabilang panig.
"Well, isa lang ang ibig sabihin ng mga matang iyan, tama ba ako, Commander Marle?" Matanda ang nagsalita habang papalapit. Halata ang karangyaan sa bawat piraso ng kasuotan ng katawan.
"Huwag ka pakakasigurado, baka pagsisihan mo ang hinala mong 'yan," madiin ang pagkakabigkas mula kay papa.
Sa tapang na ipinakita ay hindi tugma ang kamay nitong nakahawak sa akin, nag-iba ang temperatura at mas mahigpit.
"Pakakasiguro? Bakit mukhang nababahala ka yata? Malinaw ang nakikita namin... ang presensya niya ay katulad ng pamilyang iyon... agaw pansin."
Hindi nagawang magsalita ng ama dahil lumingon sa akin nang bumitaw ako sa magkahawak namin kamay, dahil nilabas ko ang baon mula sa dalang mini pouch. Isinubo ang mini fruitee icepop, binuksan gamit ang ngipin. Buti naibalot ko sa panyo kaya frozen pa rin. Kahit seryoso ang sitwasyon ay may tumawa, sa klase ay alam kong si Seroni iyon.
"Sino ka?" Tanong ko sa matandang nagsalita.
Sa nakikita ay natigilan ito saglit, lalo at nakakunot noo sa pagkakatitig sa subo ko at sa mga mata ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/22847878-288-k919210.jpg)
BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Acción"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...