CHAPTER 11

11 0 0
                                    

"In the depth of winter, I finally learned that within me, there lay an invincible summer." - Albert Camus

*****

PAGKATAPOS ng tatlong buwan.

"Oi gising."

"Later, Georgie."

Kahit inaantok pa ay nagustuhan ang amoy ng paligid, nagbibigay ginhawa sa katawan. Tuwing umaga sa nakalipas na mga buwan ay parte na ng paggising.

"Aalis na tayo dito."

Napabangon ako ng mabilis. Pagtingin kay Georgina ay hinihimas nito ang isang agila na nakapatong sa balikat habang may isinusuksok sa paa ng hayop.

"Bakit?"

"Kakain sa restaurant, ayaw mo?" Nakasimangot, pinalipad ang agila pagkatapos.

"May resto ba dito?"

Inis sinipa ang lupa papunta sa akin. Tumayo ako mula sa kinahihigaan na mga dahon at humarap dito.

"Kain muna tayo bago umalis," sabi ko at iniwan ito saglit at binaybay ang masukal na daan habang nakatingala, naghahanap ng prutas.

May naapakan na malambot na bagay, pagtingin ay isang ahas. Galit sa akin at nakataas pa ang dalawang naglalakihan na parang tenga. Pati dalawang pangil ay nakalabas, mahahaba pati.

Sumipol ako, ilang segundo pa ay rumaragasa dumating ang isang leon. Akmang sasakmalin ako pero iniwas ang sarili, ang ahas ang humarap dito.

Leon laban sa ahas, sino ang mananalo? Gusto ko malaman ngayon.

"Idiot. Hindi laruan ang mga hayop." Mula sa likod.

Binigay sa akin ang isang prutas na hindi alam ang pangalan. Ito naman ay nauuna ng kumain.

Hindi laruan pero nanonood din. Ang matitigas na pangkalmot ng leon ay nagagawang mapatilapon ang malaking biyas ng ahas, mapapansin ang nagdudugong mukha ng leon at--

Humarang sa paningin ang isang katawan. "Tinuruan kita kung paano sila mapapasunod at maging maamo sa iyo at hindi maging matapang at paglabanin sila."

Baliktad ba? Hahaha, para masaya.

"Halika na."

Sumunod ako sa kanya ng walang ingay. Para hindi boring ay kinapit ko ang kamay sa braso niya, napapiksi.

"Ew, gross."

"Parehas lang tayo, pasalamat ka hinahawakan pa kita," sabi ko.

Nakakaloko ang ngiti. "Thank you."

"Welcome." Binalik ko ang ngiting iyon.

At muli, parang kahapon lang nang makita ang bangka, nasa dati pa itong pwesto. Ang pagkakaiba ay madumi at maraming nakapasok sa loob. Nilinisan muna iyon bago sumakay. Ako ang nagtulak at nagsagwan.

"Mali ang direksyon mo, doon tayo."

"Aba malay ko, ikaw kaya dito." Tinapon ko sa kanya ang sagwan at nasalo naman, parang kahapon lang din ginawa ito.

Ginawa ang sinabi ko, pinahinga ko ang sarili kaya humiga. Sa mahabang sandali ay saka ako ginulo.

"Fight that."

"The what?" Sa iritado kong boses.

Itinuro ang nasa tubig. Nang tingnan ko ay may paikot ikot doon, nakausli ang patusok na buntot.

"Boring."

Ibabalik na sana ang sarili sa pagpikit nang gumalaw ang bangka at naramdaman ang pagtagilid niyon kasabay ng katawan. Bumagsak sa tubig pati ang kasama. Nakangisi pa sa akin at tinuturo ang paparating.

BOOK 6 - COVERTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon