CHAPTER 10

161 10 1
                                    

"I wanted to change the world, but I have found that the only thing one be sure of changing is, oneself." - Aldous Huxle

*****

Pagbukas ko ng mga mata.

"Fake... akala ko hindi ka na magigising. As I thought mas mabuti nga para mawala ka sa landas ko, istorbo sa buhay. Buti kung may mapapala ako sa iyo." Nagbubuga ng hangin mula sa bibig, ang kulot na bangs ay gumilid sa pisngi.

Sinipa ko ang paa na nakadikit sa paa ko. Nagalit at tinapon sa akin ang isang mahabang kahoy na parang kutsara. Buti nasalo at hindi ako natamaan.

"Ikaw naman, pagod na ako, doon ang direksyon." Nakangising tinuro ang isang malayong isla, maliit sa paningin.

Nasa bangka kami ngayon.

Dahil bagong gising ay hindi napigilan ang pagtaas ng dugo sa ulo. "Anong kalokohan 'to? Bakit tayo nandito?"

Hindi pa rin nawawala ang ngisi. "Training... mayroon pa bang iba? Akala mo ba vacation o pagtakas sa pamilya mo?"

Naantig ako sa narinig, bumalik ang alaala ng mga dahilan. Oo nga pala, pinili ko ito pero bakit nagising na lang akong narito na? Pinatulog ako?

"Nasaan ang mga kasama mo?" Ang tinutukoy ko ay ang nagpatulog sa akin.

"Hindi ko alam. Umpisahan mo na gumalaw kung ayaw mo abutan tayo dito ng dilim." Humiga sa dulo ng bangka, tinakpan ang mukha ng isang malaking sombrerong sawali at tumahimik.

Wala sa sariling kinuha ko ang kahoy at nag-umpisa magsagwan.

"Bilisan mo."

Tinapon ko sa kanya pabalik at nasalo.

Wow ha.

"Kung gusto mo ikaw na," sabi ko, balewalang humiga ako ulit at pinikit ang mga mata.

"Iniinis mo ba ako?"

"Naiinis ka ba? Good."

May mabigat na bagay ang tumama sa tiyan ko, napigilan sumigaw dahil kasabay ang pagtakip sa bibig. Binuksan ko ang mga mata at sinalubong ang mga matang kakaiba, napatitig ako doon dahil iyon ang klase ng tingin na ngayon ko lang nakita - nakakatakot.

Nawala rin ang takot kundi napalitan ng iritasyon dahil nasilip ang nakapatong sa tiyan ko ay ang isang paa nito.

Tapos tumawa ito ng nakakaloko.

Lumayo sa akin at binalikan ang sagwan, ito muli ang nagpatuloy.

Napaupo ako sa likod niya at nagmasid na lamang sa paligid, sa malawak na karagatan at sa abot ng matatanaw.

Matagal ang katahimikan. Hindi ako nakatiis at sinundot ang likod ng nakatalikod sa akin.

"Don't touch me baka madumihan ako."

Ipinagpatuloy ko. "May pagkain ka ba dyan?"

Tumawa muna ng malakas. "Ni isang extra underwear ay wala akong dala, pagkain pa kaya?"

Ano? Sinilip ko ang buong bangka, maliit ito at ang tanging nakalagay dito ay, kami.

"Paano tayo mabubuhay?"

"Mag-isip ka, huwag mo ako tanungin." Parang hindi problema dito ang walang pagkain.

Ni walang fishing pole o kahit anong pang-isda. Maliban na lang ay itapon itong babaeng ito sa dagat at ipain sa isda at kung swerte ay makahuli gamit ang kamay.

"Nonsense, Jade."

Anong?!

"Jade."

Inulit pa ang pangalan ko at may kasunod...

BOOK 6 - COVERTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon