MAY nagmamadaling dumating.
"Jade! Kumusta ka na?" Yumakap pa.
"Buhay pa, ikaw?"
Namalo sa braso. "Alam kong buhay ka, kumusta ang pakiramdam mo?" Puno pa rin ng pag-aalala ang maamong mukha.
"Kaya ko na ulit tumakbo para sa natitirang laps na hindi ko natapos."
Namalo ulit at bahagya ng nakasimangot. "Sinabi ko kay papa lahat at dahil sa laps na 'yan muntik ka pa mamatay. Galit na galit si papa, minsan lang siya magalit ng ganoon, mali naman kasi ang punishment nila."
"Buti na lang maayos na ako," nakangiti kong sabi.
"Bakit masaya ka?"
"Kasi hindi masisira ang pangalan ng papa mo, tapos buhay pa ang kaibigan mo, tapos--"
Yumakap, nang bumitaw ay kakaiba ang anyo nito, may galit na nababanayad. "Hindi talaga ako nagkamali siya ang nasa likod nito." Kinagat ang ibabang labi.
"O baka siya ang harap ng nangyari?"
Napangiti na. "Kung wala ka dito Jade ano kaya ang mangyayari sa akin?"
"Baka kung wala ako dito, ang tanong, saan kaya ako ngayon?" Humiga ulit ako at nakaramdam ng mabigat na bagay na pumatong sa tiyan ko.
"Joke, Jade?"
Niyakap ako ng full, kamay at paa ang mabigat na bagay na iyon.
"Hindi ba magseselos si K mo kung yakap kita ng ganito?"
"Hindi, mandidiri yata?"
Kiniliti ako at gumanti naman ako, maingay tuloy ang klinika dahil sa tawa namin.
Ang kaibigan na nakatalaga para bantayan ako ay umalis at naghiwalay saglit nang dumilim. Sa saglit na ito, akala ay mapag-iisa pero may sumingit.
Walang salita nang lumapit, maaring kanina pa nais gawin. Hanggang sa magkadikit, una sa paghawak sa kamay ko, nang hindi hinihiwalay ang titig sa bawat isa. Pigil ang emosyon nito ipakita, waring maraming nais sabihin at gawin, pero ni isa ay walang nilabas. Ang tangi at mas importante ang sunod na ginawa, iyon ay ang pagkulong sa akin sa mga bisig niya.
Parehas, nadarama ng malakas sa dibdib ng isa't isa ang tibok ng mga puso. Kaya ginantihan ko ang yakap na ito at kumapit sa bewang ng kaharap.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko, bilang bulong malapit sa tenga nito.
Naging marahas ang paghinga bago sagutin ang tanong. "Ikaw ba?"
"Okay na ang lagay ko. May pahinga ako hanggang bukas."
Lumayo ang mukha nito at hinarap iyon, halos wala ng isang dangkal ang layo. "Hindi ako tumupad sa usapan natin," ng walang kurap ang titig, "hindi ko napigilan sarili ko lumapit sa iyo ng ganito ngayon."
"It does not matter," sagot ko, "safe tayo ngayon gabi dahil walang interes sa akin ang commander pabantayan ako, ni tingnan man lang, at alam kong maingat ka hindi masundan ngayon para sa proteksyon natin dalawa." Binigyan ko siya ng ngiti, "gusto mo ba samahan ako dito?"
Parang walang narinig at nakatitig ng hindi nababali. Hanggang nagpakita ang inaasahan, umawang ang mga labi at nawala ang pagkaseryoso. Napangiti para dito.
Ibinulong ko pa ang nais, "Sumalisi ka papunta dito mamayang hatinggabi... kapag tulog na ang lahat."
Ipinagdikit ang mga pisngi namin, ramdam sa katawan nito ang tensyon.
"Ayos lang ba?" Tanong ko pa.
"Paano ang kaibigan mo?" Ang boses ay naitatago ang tunay na damdamin.
"Alam niya ang tungkol sa atin kaya maiintindihan niya."
![](https://img.wattpad.com/cover/22847878-288-k919210.jpg)
BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Action"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...