Chapter 4

13.7K 230 4
                                    

Napabalikwas ako ng mag vibrate ang phone ko na nakapatong sa side table ng kama ko.

Pagtingin ko screen..si Ranz ang tumatawag. Napangiti ako, umayos muna ako ng upo bago ko sinagot.

"Hello bez!";masiglang bungad nya.

"Naistorbo ba kita?";tanong niya.

"Uhm.. Hindi naman...bat napatawag ka?";tanong ko.

"Sensya pala Zans kasi di na kita napuntahan after ng date namin ni Irene kahapon.";sabi nito.

"Sobrang late na ako nakauwi kagabi at ayaw na kita istorbohin.";dagdag nya.

"Ayos lang yun bez..how's your date?";tanong ko kahit parang pakiramdam ko alam ko na ang sagot.

Halata sa boses nya na masaya sya.

"Guess what Zans?!";tanong nya.

"Di ako manghuhula kaya sabihin mo na.";medyo inis na sagot ko.

Pero dahil yata sa maganda ang mood nya di na yata napansin na medyo nainis ako.

"Alam mo Zans sobrang saya ko talaga. Atlast sinagot na nya ako as in yes na yes!";tuloy-tuloy na kwento nya.

Natahimik ako bigla...inaasahan ko naman na to di ba.

Pero masakit pala talaga pag narinig mo na mismo galing sa kanya na sobrang saya nya dahil sinagot na sya ng babaeng mahal nya.

"Zans...bez andyan ka pa ba?";tanong nito ng wala ng marinig na sagot ko.

"Hah?! Uhm... I'm happy for you bez! Buti ka pa may girlfriend na. Ako kaya kelan naman magkakaroon ng boyfriend?!";biglang litanya ko para di naman halatang apektado ako.

"Buti pa kayo..ako na lang ang walang partner sa barkada.";dagdag ko.

"Zans darating din yun..for sure on the way na. Gusto mo ihanapan kita?";biglang tanong nya.

Napangiti ako ng mapait.

"Masaya na sana ang lovelife ko kung di ka kontrabida nun sa mga manliligaw ko!";biglang paalala ko.

"Di naman kasi sila yung tipong seryoso sayo. Ayaw naman kitang saktan lang ng kalahi ko. Bestfriend kita kaya gusto ko makasiguro kung sineseryoso ka.";depensa na sagot nito.

Oo nga sobrang over protective nito sakin nun. Kaya walang tumagal nanligaw...hanggang sa ma realize ko na lang sa sarili ko na sya ang hiling ng puso ko. Kaya di na din ako nag entertain sa mga gustong lumigaw.

"Oo nga eh ayan tuloy ako na lang ang walang boyfriend!";saad ko.

"Anyway...asan ka?";pag-iiba ko sa usapan.

"On my way to Irene's place. Gusto daw ako ipakilala sa parents nya..it's a lunchdate with her family.";sagot nito.

"Oh i see! o sige na bez ingat na lang. Usap na lang tayo next time. May lakad din ako today para sa boutique ko.";pag-iwas ko.

"Okay bez!";sagot nya.

"Maybe next week ipakilala ko sayo si Irene.";dugtong nito.

"Looking forward to meet her. Okay bez. Bye!"; Yun lang at in-off ko na para di na hahaba pa ang usapan.

Nakatitig ako ngayon sa salamin. Tinitignan ko yung repleksyon ko.

Simpleng make-up. Simpleng blouse na tinernohan ko ng thight jeans at flat shoes.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon