Gulong-gulo ang isip ko. Di ko alam kung ano pumasok sa utak ko at napapayag ako ni Karen umuwi ng pinas.
Kasi di ko pa alam sa sarili ko kung handa na nga ba akong umuwi ng pilipinas.
Iginugol ko ang isip ko sa trabaho.
Manager na kasi ako dito sa isang fast food chain sa Paris 2 years ago.
Nasa pinas na sila Karen and 2 days before the wedding yung alis ko dito sa Paris para maka-attend sa kasal nila. Punong-puno ng alalahanin ang isip ko dahil sa pag-uwi ko ng Pinas.
Sabagay ito na siguro yung tamang time para makauwi na din ako. At patutunayan ko sa sarili ko na naka move on na ako sa nakaraan ko.
Paglapag ng eroplano sa airport parang bumalik sakin ang kahapon kung bakit umalis ako nun.
Ipinasundo ako nila Karen sa airport. Tumuloy kami sa isang private resort sa tagaytay.
Dito ang venue ng kasal at mula dito may malapit na church kung san gaganapin ang kasal nila.
Sinalubong ako ng mag-asawa.
"Masaya ako finally andito ka na. Akala ko di ka na sisipot.";tumatawang bungad ni Karen.
"Asus pwede ba naman akong mawala sa araw na importante sa buhay nyo.";nakangiti kong sagot.
"Tara sa loob dun tayo magkwentuhan. Nakahanda na din ang lunch.";yaya ni Xyrus.
Pagkatapos ng lunch pumunta kami sa garden ni Karen. Di na sumama si Xyrus para daw makapag bonding kami.
"Anong pakiramdam na ikakasal kayo ulit?!";nakangiti kong tanong sa kanya.
"It's like the first time gurl...excited pa din.";sagot nito.
"Sobrang happy ako na mahal nyo ni Xyrus ang isat-isa.";nakangiti kong sagot.
"Ikaw musta na?! Anong pakiramdam nakita mo ulit ang Pinas?!";tanong naman nito.
Huminga ako ng malalim bago sumagot.
"Magaan sa pakiramdam gurl. Akala ko di ko na miss ang Pinas pero iba pa din pala gurl pag andito ka sa bansang kinalakihan mo.";nakangiti kong sagot.
"Ilang days ba kinuha mong leave gurl?!";tanong nito.
"7 days ako dito gurl. Kaya after ng wedding mo pasyalan ko yung boutique ko sa manila. Na miss ko na eh.";sagot ko.
"What if gurl mag krus ang landas nyo ng ex mo?! What will you do?!";biglang pag-iiba nito sa usapan.
Nabigla ako sa tanong nito.
Ano nga ba?!;napaisip ako.
Tumingin ako sa kanya bago sumagot.
"Nothing! Naka move on na ako gurl.";mariin kong sagot.
"Good to hear that. Kahit magkita pala kayo okay ka na.";masaya nitong sabi.
"Anyway about yung proposal naming mag-asawa sayo. Gusto namin mag invest sa plano mong resto na itatayo.";maluwag ang ngiting sabi nito.
"Sana i consider mo na dito sa pilipinas magtayo gurl.";dagdag nito.
Alam kasi nila na kaya nag-aral ako ng culinary sa Paris dahil isa sa mga gusto kong matupad magkaroon ng resto at mai-apply lahat ng nalalaman ko.
"Kaya nga after your wedding I'll try to find place for that. Hopefully may makita akong magandang place.";nakangiti kong sagot.
"Good to know that gurl. Haaaaay salamat naman naisip mo na na this is the right time to build one of your dream.";nagagalak na hayag nito.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomansPaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...
![Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/39695204-64-k525894.jpg)