Chapter 49

13.4K 157 13
                                        

Zandra

Kay sarap pa sana ng tulog ko dahil ang gaan ng pakiramdam ko pero bigla akong maalarma ng maramdaman kong may kayakap ako.

Am I dreaming?!;saisip ko pero mukhang hindi.

Biglang bumilis tibok ng puso ko, di ko alam kung bakit kinabahan ako bigla.

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko.

Napamulagat ako ng mukha ni Ranz ang sumalubong sa mga mata ko.

Napansin kong suot ko ang damit nya. At di ko namamalayan na marahan ko syang naitulak dahil sa gulat.

Nagising naman ito ng maramdaman ang pagtulak ko ng bahagya.

Parang di ko na mabawi yung naging reaksiyon ko. Parang naumid ang dila ko ngayong nakatingin ito sa mga mata ko.

"Good morning Zans!";nakangiting bati nya sakin ng mawala din ito sa pagkabigla.

Napaupo ako bigla.

"Uhm....uhm... What am I doing here?!";alanganing tanong ko sa kanya.

"Sensya na Zans di na kita ginising last night dahil alam kong pagod ka kaya dito kana natulog.";kalma lang nitong paliwanag.

Hindi ba nya napapansin na di ako komportable.

Shucks! Ang tanga mo kasi naman Zandra.

Kaya mo bang tanungin kung sya ba ang nagpalit sayo?!;sita ng isip ko.

Alangan naman, may iba pa ba?!

Argghh!!! Nakakahiya!;hiyaw ng isip ko.

"Uhm...salamat. Uwi muna ako.";sa wakas nasagot ko din sya.

Di ko na sya inantay sumagot, tumayo at dinampot ang bag ko tsaka ako nagmamadaling lumipat sa unit ko.

May pahabol pa sana syang sasabihin pero di ko na pinansin.

Napahawak ako sa dibdib ko pagkapasok ko sa unit ko.

Ano ba naman Zandra?! Ano na lang mukha ang ihaharap sa kanya?!

Ano yun magdamag kayong magkatabi?! Sarap na sarap ka pa sa tulog.

Arghhhh!!;sita ko sa sarili ko.

Dumiretso ako ng banyo para makaligo.

After ko magbihis nag-ayos din ako ng ilang damit dahil dun muna kami for the mean time matutulog habang inaayos namin ang bahay nya.

Napangiti ako ng mapait habang nakatingin sa bag na dala ko.

"Ako na ang dakilang ex wife. Napaka-supportive nga naman kay ex husband."saisip ko.

Kasalukuyan akong nag-ka-kape ng may mag door bell.

Nabungaran ko ang isang mukhang maganda ang gising.

Huminga ako ng malalim para pagtakpan ang nararamdaman ko at umakto ng normal na parang walang nangyari.

"Coffee muna tayo.";alok ko sa kanya at dumiretso ako sa kusina.

Dumaan muna kami sa isang supermarket para bumili ng mga pagkain at stock nito sa kusina nya.

Mukhang pang isang taon na stock ang binili nito sa dami pero di na lang ako umimik. Bahay nya naman at isa pa pera naman nya ang ibinili nya.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon