Matulin na dumaan ang araw..linggo..at buwan.
Malapit na pala akong babalik sa Pinas. And this time for good na.
Next month na kasi ang balik ko at naayos ko na lahat ng dapat ayusin dito.
Kahit malungkot alam kong sobrang happy lahat ng katrabaho ko sa pag-uwi ko ng Pinas.
On going na yung Resto na plan kong itayo. Si Xyrus ang namamahala ngayon.
Sila ni Karen ang nag-alok na gustong mag invest dito kaya alam kong maaasahan ko silang mag-asawa.
Tinanong lang sakin ni Xyrus kung anong gusto kong design ng resto. At sobrang natuwa ako sa design na pinadala nya kaya inaprubahan ko.
At baka pagbalik ko dun patapos na. Wala kasi ako sinayang na oras kahit andito ako sa Paris kinausap ko na ang mag-asawa para dito at salamat talaga at napaka-supportive nilang kaibigan kaya di ako mahihirapan.
Sa ngayon ine-enjoy ko na muna dito lalo't malapit na akong uuwi.
Si Brad mukhang tumigil na. Sumuko din. Mabuti naman dahil sya pa tong iisipin ko.
Ganun naman talaga minsan ang mga lalaki. Sa umpisa lang ma effort pero paglaon wala na.
Pero alam ko naman sa sarili ko kahit gaano pa siguro sya mag effort...ma-appreciate ko man pero ni hindi din mababago ang sinasabi ng puso ko.
Bakit kasi madalas tanga pagdating sa love! Haaaaaaaaaaaaay!
Off ko today kaya tamad ako gumalaw..ni ayaw kong bumangon.
Nakatingin ako sa kisame. Nag mu-muni-muni. Kinakapa ko ang nararamdman ko kung kaya ko ng harapin ng tuluyan lahat pagbalik ko.
Kaya ko na to! Di man kagaya ng dati...may malaking kakulangan man sa pagkatao ko dahil sa pagkawala ng baby ko pero kahit pano ramdam kong andyan lang sya binabantayan ako.
Kahit pano unti-unti kong nabuo ang sarili ko sa nakaraan kaya di na ako ganun kadaling mabasag ulit ng kahit sinoman.
Ang pagbalik ko paniguradong hindi maiwasan na madalas mag krus ang landas namin ni Ranz pero alam ko ng mas nangingibabaw ang utak ko kesa sa puso ko. Di na ako katulad ng dati na mahina pagdating sa kanya.
Tanghali na ng magpasya akong bumangon. Naisipan kong lumabas at gumala since ma mi-miss ko ang lugar na to.
Lugar na naging saksi sa lahat ng luha ko..sa lahat ng sakit na nararamdaman ko at maging ng pangungulila ko.
Ang lugar na to ang naging kanlungan ko ng panahon sobrang down ako.
Nandito ako sa isang kilalang restaurant at abalang kumakain. Minsan din masarap mag-isa.
Pero yung magandang mood ko biglang napalitan nalang bigla dahil sa isang di inaasahang tao na makikita ko dito.
Sa lawak ng mundo makikita ko pa talaga sya dito.
"Oh hi Zandra! Long time no see! Nice to see you here.";bungad ng nasa harap ko ngayon..nakangiti nga pero mukhang plastic naman.
"Likewise!";sagot ko at tinuloy ko ang pagkain ko.
Wala akong balak makipag-plastikan. Kaya mainam na dedmahin nalang.
Medyo makapal din ang mukha nito dahil umupo nalang sa katapat ko.
"Akalain mo naman noh...small world!";sabi nito.
"How's life?! Dito ka pala nagtago.";sabi nito.
Tinignan ko lang sya at binalewala. Di ko ugaling makipag-plastikan.
"Oh snobbish ka na ngayon! I like that...paki-apply kay Ranz ha pag nakita o nakaharap mo.";sarcasm na komento nito.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomancePaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...
![Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/39695204-64-k525894.jpg)