Chapter 40

15.7K 184 6
                                        

Ranz

Nakatulala ako ngayon dito sa loob ng opisina ko.

Ang daming gumugulo sa isipan ko.

Si Zandra. Lalo na ng di ko inaasahan na sabihin nyang na mi-miss nya yung baby nya.

Napapikit ako ng mariin. Parang may biglang dumagan sakin pagkarinig yun noon.

Ramdam ko kung gaano sya kalungkot.

At bakit pakiramdam ko "anak" namin yun.

Ayokong magtanong dahil sobrang natatakot ako. Dahil pakiramdam ko ako ang may kasalanan.

Kasalanan ko kung bakit sya ganun kalungkot ngayon. Alam ko sa sarili ko hindi ko basta basta mabubura lahat ng pasakit na naranasan nya sa piling ko mula ng maging mag-asawa kami.

Ang gago ko talaga!;saisip ko.

"Sorry Zans! Sorry kung huli na ang lahat para ma realized ko ang naging katangahan at kagaguhan ko. Sana mapatawad mo ako.";usal ko habang nakapikit.

After makauwi kami galing sa wedding nila Vic at Nancy di na kami ulit nagkita ni Zandra.

Gusto ko sana ihatid at sunduin pero tumanggi sya at ngayon parang umiiwas na makita ako. Kahit pinupuntahan ko sa condo nya o sa resto nya di nya ako hinaharap.

Isang linggo na din na di ko sya nasilayan. Napapikit ako sa isipin na iniiwasan na nya ako. Ayokong tuluyan na syang mapalayo ang loob sakin.

Nasa ganun akong pag-iisip ng bigla kong marinig ang pagbukas ng pinto kaya napadilat ako.

"Sir sorry mapilit po kasi kahit sinabi kong busy ka.";bungad ng secretary ko dahil kasabay nito sa pagpasok si Irene.

"Sige iwan mo nalang kami.";sagot ko.

Paglabas ng secretary ko biglang lumapit ito at akmang hahalikan ako pero nag iwas ako.

"What do you want?!";seryosong tanong ko.

"I missed you sweetheart that's why I'm here.";parang balewala lang na sagot nito at yumakap sakin.

"Lagi mo akong tinataguan.";dagdag nito.

"Will you stop flirting with me!";iritang saad ko sa kanya at kinalas sya sa pagkayap sakin. Parang nabigla sa sinabi ko.

"Me?! Flirting with you?! Baka yang bestfriend mo ang lumalandi sayo! Akala mo hindi ko alam na nandito na sya sa Pilipinas. You're mine Ranz! Akin ka lang!";madiing litanya nito.

"First..hindi ako nilalandi ng asawa ko! Tapos na tayo kaya wag kang umastang may relasyon pa tayo...dahil matagal na tayong tapos";madiin kong sagot sa kanya.

"Ranz sweetheart please...I know mahal mo pa ako kaya nandito na ulit ako.";sabi nito sabay lapit ulit ito at hinawakan ako.

"Pwede ba Irene tantanan mo na ako dahil matagal na kitang hindi mahal!";seryoso kong sagot sa kanya.

"Mahal mo ako Ranz dahil hindi ka mangangaliwa sa asawa mo kung hindi ako ang mahal mo!";palaban na sagot nito.

"Umalis ka na dahil kahit anong gawin mo hindi na ako babalik sayo dahil hindi ikaw ang mahal ko.";tiim-bagang na sagot ko sa kanya.

Pero parang balewala lang sa kanya yung sinabi ko.

"Sige aalis na muna ako but I assure you babalik ako.";sabi lang nito.

Naglalakad na sya palabas ng biglang huminto at bumaling sakin.

"Ahh...sweetheart baka gusto mo pala mag lunch naman tayo together?! Balita ko kasi masarap ang food sa haven's taste.";nakangiting sabi nito.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon