Chapter 23

17.3K 224 1
                                        

"Happy birthday baby ko!";sambit ko bago ko hinipan ang isang candle sa ginawa kong cake.

Di ko napigilan di umiyak. Kinabig ako ni Karen.

"Alam ko masayang masaya si baby kasi ikaw ang mommy nya.";sabi nito.

"Miss ko na sya gurl. Dapat sa araw na to ko sya unang masisilayan pero wala eh. Agad nya ako iniwanan. Ganun pa din yung sakit gurl. Hirap mawala. Sya na lang sana ang meron ako pero nawala pa.";sabi ko.

"May rason siguro kung bakit nawala sya. Isipin mo na lang na andyan lang sya binabantayan ka nya kaya dapat maging masaya ka para di sya malungkot na nakikita ka.";patuloy na payo nito sakin.

"From now on gurl kakayanin kong harapin ang bukas. Wala man sya dito ngayon pero habang buhay sya sa alaala ko, sa puso't isip ko.";sambit ko.

"Tama yan gurl...kaya wag na tayo masyadong ma emote ha. Ayaw ni baby ng umiiyak ka.";payo nito.

Tumango ako sa kanya bilang sagot habang hilam ako ng luha.

_____________________

"Congrats my dear friend! Isa ka ng certified chef! I am really proud.;bati sakin ni Karen.

Dumalo sila ngayon ng boyfriend nya sa isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko.

Niyakap ko sya.

"Thanks my friend for always there for me during my ups and down.";teary eyed na sagot ko sa kanya.

"Ayos lang gurl.";sagot nito habang naghiwalay kami ng pagkayap.

"Congrats chef Zandra!";nakangiti ding bati ni Xyrus sakin.

"Thank you!";nakangiti kong sagot.

"Tara sa apartment. Nagluto ako at nag bake para sa inyo.";nakangiti kong anyaya sa kanila.

Limang taon na din mula ng mawala ang baby ko sakin.

Kahit masaya na ako ngayon. Nananatili pa din kulang ako. Di na siguro maaalis yung kirot sa puso ko dahil sa pagkawala nya sa buhay ko.

Habang daan pauwing apartment naalala ko lahat ng pinagdaanan ko. Ganito na siguro ang kapalaran ko.

Napapikit ako.

"Thank you lord god at hinayaan mong makamit ko ang isa sa pangarap ko.";ikling panalangin ko.

Kahit mahirap maging working student... kinaya ko para sa baby ko. Inspirasyon ko sya para kahit pano maabot ko ang isa sa pangarap ko.

Pagdating sa apartment.

"Upo muna kayo...relax at ayusin ko lang yung mga hinanda ko para sa inyo.";sabi ko sa kanila.

"Tulungan na kita mag prepare.";si Karen.

"Hep hep!!! Upo ka lang dyan gurl. Ako ng bahala.";nakangiti kong tanggi.

"Wow fiesta!!!";puri ni Karen habang nakatingin sa hapag.

"Upo na kayo at ng masentensyahan nyo na.";anyaya ko sa kanila.

"Wow!!! Wala ako masabi sa sobrang sarap. Pwede ka ng magtayo ng sarili mong resto o kaya bakeshop."; puri ni Xyrus.

"Asus nambola ka pa. Oo na boto na ako sayo para kay Karen na maging asawa nya.";natatawa kong sagot.

"He's right gurl...super sarap nitong lahat. Thank you at patatabain mo lalo ako.";natatawang sagot naman ni Karen.

Ngumiti ako.

"Thank you guys!";sabi ko sa kanila.

Pagkatapos namin magligpit ni Karen ng kinainan. Pinuntahan namin si Xyrus sa salas.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon