Chapter 47

12K 140 0
                                    

"Sa unit ko nalang ikaw magluto Zans.";nakangiting sabi nito.

Gusto ko man sana tumutol na sana sa unit ko nalang pero sa ganda yata ng ngiti nya nagpahila nalang ako bigla sa unit nya.

Since that time na nagising ako na nandito sa loob ng condo nya di pa ako ulit nakapasok dito.

Napangiti ako ng mapait pagpasok dahil biglang pumasok sa isip ko ang ala-ala ng bahay nya. A

ng daming memories. Lahat yata ng emotions na naramdaman ko saksi ang bawat sulok nito.

Ngayon ko lang napansin na yung ayos ng umalis ako ganun pa din ang ayos nito. Di ko man lang yun napansin noon dahil sa gulat ko na bakit andito ako sa loob ng condo nya.

Huminga ako ng malalin para humugot ng lakas. Ipinilig ko yung ulo ko para ibalik ang katinuan ko sa realidad at hindi upang alalahanin ang nakaraan.

"Feel at home Zans.";narinig kong sabi nito.

Tumango lang ako at sinamahan ng ngiti.

Kumilos akong normal sa harap nya. Dumiretso ako ng kusina.

"What do you want to eat bez?!";I asked him.

Lumingon sya sakin pero nakatitig lang sya.

"Up to you Zans.";nakangiting sabi nito maya-maya.

Naghalungkat ako sa fridge kung anong pwedeng iluto.

Habang nagluluto ng paborito nyang ulam gumawa din ako ng caramel moose for dessert.

Nakamasid lang si Ranz sakin. Iniisip ko nalang na dapat kumilos ng normal, ipakita na ayos lang ako na kahit ang totoo'y naaapektuhan ako sa tuwing mahuhuli sya ng mga mata ko na nakatingin.

Naisip ko tuloy ang saya sana kung ganito kami nung mga panahon na mag-asawa kami, nagluluto ako habang sya binabantayan ako...ako na siguro ang pinakamasaya.

Pero hanggang kaibigan lang kasi ako kaya di ko naranasan yung pinapangarap ko na yun.

Kailangan ko lang talagang makuntento sa kung ano lamang ang kaya nyang ibigay.

Masaya naman na ako dati kasi kahit nung kaibigan lang nya. Masyado lang siguro akong umasam at nangarap kaya heto ako ngayon.

Napapikit ako at humugot ng hangin. Alam ko okay na ako eh. Di na dapat binabalikan ang nakaraan.

Tinulungan ako ni Ranz maghain ng niluto ko.

"Kain na tayo.";anunsiyo nito.

"I'm still full bez, kaya ikaw nalang kumain ha. Uwi na din ako.";sagot ko sa kanya sabay kuha ng bag ko at akma ng aalis.

Pero bago pa ako makaalis humarang na sya sa harap ko at sobrang lapit naman yata nya masyado.

Bigla pa nitong hinawakan ang kamay ko. Di ako makahinga sa pagdantay ng kamay nya.

"Zans sabayan mo ako para ganahan naman ako.";titig na sabi nito.

"Di ako guton bez, kumain na kasi ako.";nakangiti kong sagot. Gusto ko pa din mag react ng normal.

"Come on Zans please sabayan mo ako.";yaya nito sabay hila ng kamay ko at pinaupo.

Akala ko uupo ito sa katapat ko pero umupo ito sa tabi ko.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon