Chapter 16

13.6K 174 4
                                    

Sobrang sikip sa dibdib yung tagpong nakita ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Dumiretso ako dito sa kwarto.

Kung ano-ano na ang pumapasok sa utak ko na ginagawa nila. Pano ako makakapagpahinga kung andyan lang sila.;asar na saisip ko.

Pinilit kong matulog para makapahinga.

Naalimpungatan ako sa pag alarm ng phone ko. Buti naman pala nakaidlip din ako.

Bumangon na ako para makaligo. Susunduin pa ako ni Harold. Mabuti pala at pumayag akong sumama. Kailangan ko ng kausap.

Di ko nga alam kung andyan pa ba si Ranz at babae nya o kung umalis na sila.

Nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Nakasuot ako ng tube dress na above the knee na tinernuhan ko ng 3inches high heels na shoes.

Maya-maya lang nag ring yung phone ko.

"Hello!";sagot ko.

"Zandra I'm already here.";bungad ni Harold.

"Okay.. I'll be there in a minute.";sagot ko.

"See you!";habol nito bago ko in-off yung phone ko.

Tinignan ko ulit yung hitsura ko sa salamin bago ako lumabas.

Wala na nga sila Ranz paglabas ko. Kahit ayokong mag-isip pilit nagsusumiksik ang madumi kong isip. Bumuntong hininga na lang ako saka lumabas ng unit.

Pagdating ko sa labas ng tower nakita kong lumabas si Harold sa kotse nya at nilapitan ako.

"Hi Zandra! Ang ganda naman ng date ko.";bungad nya sakin na sobrang ngiti.

"Sus bola!";sagot ko lang.

"I'm serious believe me.";sagot naman nito.

Di na ako umimik. Pinagbuksan na ako ng pinto ng kotse saka sya umikot at sumakay sa driver seat.

Sumulyap muna sya sakin bago nya pinaandar yung kotse.

"Are you okay?!";basag nya sa katahimikan. Sumulyap lang ako sa kanya bago ko sya sinagot.

"I'm fine.";matipid na sagot ko.

Tahimik lang ako buong byahe. Siguro nakaramdam si Harold na gusto ko muna manahimik kaya di na nangulit.

Pagdating namin sa venue ng party medyo nahiya ako kasi sobrang bonggang party pala ito. Makikita sa mga hitsura ng mga nandito na mukhang mayayaman.

Hinawakan ni Harold ang kamay ko.

"Don't be nervous.";bulong nito.

"Di mo naman sinabi ganito pala ang dadaluhan natin na party?!";bulong na sita ko.

Ngumisi lang sya at di binibitawan ang kamay ko.

"Pasensya na Zandra kasi may ganito talagang gathering every year lahat ng mga malalaking company nagtitipon. Required pa naman ng may kasama. Thanks at pumayag ka.";nakangiti lang nitong sagot.

Umirap lang ako at pasimple kong hinila ang kamay ko pero ayaw nya talagang bitawan.

Kaya hinayaan ko na tutal medyo nahihiya talaga ako sa party na to. Nagpatianod na lang ako.

Katatapos namin kumain ni Harold ng may biglang lumapit na kakilala nya.
Hi bro!";bati sa kanya ng isa at nakipagkamay sa mga ito.

"Nice to see you guys!";sabi din nito.

"By the way this is Zandra...my date!";nakangiting pakilala nito sakin.

"Hi!";matipid na sagot ko na sinamahan ng malapad na ngiti.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon