"What if tayo nalang ulit?!";until now parang nag-eecho parin yun sa pandinig ko.
Ginugulo lang nya ang isip ko pati yung puso kong nananahimik na.
Biglang nag flashback sakin yung eksenang yun kagabi.
"What if tayo nalang ulit?!";tanong nito.
Di ko inaasahan yun na marinig mula sa kanya. Parang ayaw mag function yun sa utak ko agad.
Tumikhim ako bago magsalita kasi parang may biglang bumara sa lalamunan ko.
Iniwas ko yung paningin ko sa kanya dahil iniiwasan kong titigan sya sa mata dahil ayokong mabasa nya kung anuman yung tunay na damdamin ko.
Sa pagkakataon na ito gusto kong ingatan ang puso ko.
"Bez I know one day makakasama mo din yung taong nilaan para sa sayo, yung babaeng mahal mo dahil sa kanya ka magiging maligaya. Wag na nating balikan at ulitin yung pagkakamali sa nakaraan. Learn from our past. You know how we struggle for that marriage. Even yung friendship natin nasira dahil dun, dahil sakin. At bilang bestfriend mo mas magiging masaya na ako this time pag napangasawa mo yung babaeng noon pa man pinapangarap mo at alam nating pareho na hindi ako yun.";nakangiti kong sagot sa kanya.
"Zans".;hinawakan nito ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya. Napansin kong teary eyed sya.
"Natanong ko na sayo to pero gusto ko ulit tanungin. Di ba before sabi mo mahal mo ako?! Ngayon ba hindi na?!";medyo garalgal yung boses na tanong nito.
Ito yung tanong na ayoko talagang harapin.
Ayoko ng masaktan pa kaya hanggat kaya ko iiwas ko yung puso ko dahil pag ito na naman ang sinunod ko mawawasak na naman ako.
"Inaamin ko naman na mahal kita noon kaya nga umabot tayo sa ganun na sitwasyon.";mapait na ngiting saad ko.
"May mga bagay lang siguro na nagbabago sa paglipas ng panahon. At sa paglipas ng taon na yun unti-unti kong natutunan na di lahat gusto ko mapapasa-akin. And I'm really sorry na sinira ko ang buhay mo Ranz. Nawala man yung feelings ko pero yung friendship natin gusto ko ulit mabuo."seryosong hayag ko.
Kinabig nya ako at niyakap.
"Kung may taong mag so-sorry Zans...ako yun. Gago ako eh. Tanga ako. Sinaktan kita ng sobra sobra. I'm really sorry.";wika nito.
"Pareho lang tayong nakasakit Ranz. Let's just forget the past and move on.";sagot ko at tinapik ito.
"Zans".;banggit lang nito sa pangalan ko at sobrang higpit ng yakap.
Ramdam kong parang may gustong sabihin pero mas pinili nalang na yakapin ako.
"Good night Ranz.";tangi kong nasabi bago ako kumalas ng yakap.
____________________
Week end bisita ko si Karen sa condo ko.
"Musta ang buntis?!";bati ko sa kanya pagkalapag ko ng meryenda sa table.
"Ayos naman medyo mahirap din pero masaya yung feeling.";nakangiting saad nito.
"Kaw nga dapat kumustahin ko.";sabi nito.
"Heto okay lang din. Medyo busy dahil sa resto. Di ko na nga nabibisita yung boutique ko dahil mas tutok ako dito.";sagot ko.
"Eh yang puso mo kumusta naman?!";tanong nito na nagpakunot ng noo ko.
"Ito?!";sabay turo sa tapat ng dibdib ko.
"Ayos lang ito..tumitibok pa naman.";patawa kong sagot.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomantikPaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...
![Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/39695204-64-k525894.jpg)