Katatapos lang namin mag dinner. Kasalukuyan kami nakasalampak dito sa sala. Habang nagkwe-kwentuhan at may konting inuman.
Nakaramdam na naman ako ng inggit dito sa mga kaharap ko.
Bakit ba ang sweet ng mga to. Masakit sa mata.
Dahil pakiramdam ko nag-iisa na lang ako.
Kahit andito si Ranz at wala naman dito si Irene. Iba pa din yung nararamdaman ko.
Bakit nga ba biglang lumalim yung nararamdaman ko sa lalaking to?! Kahit sa sarili ko di ko masagot.
Pag-ibig nga naman..ang hirap ipaliwanag.
Subukan ko kaya mag tapat sa kanya baka sakaling mabaling sakin ang atensyon nya.
Childhood bestfriends kami kaya sigurado naman ako di sya mahirapang mahalin din ako.
Napangiti ako ng mapakla sabay tungga sa wine glass na hawak ko.
Ganun ba ako ka desperada?! Hindi ko yata yun makakaya. Ayoko naman mamalimos ng pag-ibig.
Naglalayag na naman pala ang diwa ko. Bigla akong natauhan ng marinig ko silang nag co-congrats kay Ranz at sabay nag cheers!
Para akong engot.. Wala ako idea. Ni di ko narinig yung pinag-uusapan nila.
"Zans naman wala man lang ba akong maririnig na pagbati mula sayo?!";nakangiting baling sakin ni Ranz.
Tumungga muna ulit ako wine.
"Pa- para san?!";nakakunot na tanong ko.
"Naku napadami ka yata ng inom Zandra kaya lumilipad yang isip mo.";sagot ni Bench.
Nag-iinit na nga yung pakiramdam ko at medyo nahihilo na din ako.
Di ko nga namalayan panay ang inom ko.
Siguro dahil gusto kong malasing para pag narinig ko na yung announcement nya na ikakasal na sya eh di ko maramdaman yung sakit.
Gusto ko kahit pano mamanhid naman ako.
"I'm getting married bez!";masiglang pahayag nito.
"Kanina lang ako nakapag-propose kaya late ako. Sobrang saya kasi um-Oo sya.";masayang dugtong nya.
"I- I'm happy for you.";pilit kong pinasigla yung boses ko at ngumiti ako sa kanya.
Niyakap ko sya. Parang ayaw kong bumitaw. Hinigpitan ko pa yung pagyakap ko ng gumanti sya sa yakap ko.
Akala ko mamamanhid ako sa alak pero bakit ang kirot kirot sa dibdib. Pinigilan kong maiyak kahit nagbabadya na ang mga luha ko sa mata.
"Bakit naman kasi bro di pa si Zandra ang niligawan mo. Ayan tuloy...ayaw ka yata pakawalan.";komento ni Sam.
Bigla akong natauhan. Humiwalay ako sa pagkayap sa kanya.
"Tama na ang drama guys! Ikakasal lang si Ranz. Di naman sya mawawala. Madadagdagan pa nga tayo ng isa.";biglang litanya ni Len.
"Noon pa man natin sila binubuyo para sila na lang pero ganun talaga. May nakalaan na iba sa kanila para sa isat-isa.";singit naman ni Nancy.
"So maging happy na lang tayo. Darating din yung kay Zandra.";sabi naman ni Candy.
"Ka- kayo talaga.. Ang mahalaga eh sa mabuting babae sya mapupunta.";malungkot na ngiting saad ko.
"Andaya lang! Bakit mauuna ka pang magpapakasal eh kelan pa lang kayo. Inunahan mo pa kami.";pang-aasar ni Bench.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomancePaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...
![Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/39695204-64-k525894.jpg)