Nagising ako ng maaga. Ginala ko yung mata ko sa kabuuan ng kwarto at nakita ko sya na tulog sa couch.
Nakatulog na naman pala ako sa pag-antay at kakaisip kagabi.
Ano pa ba ang bago...gaya ng dati. Pagkatapos ko maghanda ng damit nya at magluto.
Naligo na din ako dahil tulog pa ito. Mamaya papasok na din ako sa boutique.
Na miss ko din yun kahit pano. Kahit pansamantala mawaglit sa isipan ko lahat ng masasamang nangyari.
Nag-aayos na ako ng sarili ko ng biglang magising si Ranz.
"Hi..good morning honey!";nakangiting bati ko.
Nakita kong kumunot lang yun noo nya. Gayumpaman gwapo pa din sya sa paningin ko kahit bagong gising pa sya.
Nagulat siguro ito dahil kagabi lang nag dra-drama ako. Tapos ngayon kung umasta ako parang walang nangyari.
Susulitin ko na lang yung natitira sa sinasabi nyang isang taon naming pagiging mag-asawa na maging masaya kasama sya kahit masakit isipin at mahirap tanggapin.
Pagbibigyan ko na lang muna ang sarili ko. Itotodo ko na ang pagiging martyr ko.
Tumayo sya at dumiretso ng banyo.
Nagtyaga akong nag-antay sa kanya habang nasa banyo. Napalunok ako ng makita ko yung hitsura nya paglabas.
Nakatapis lang sya ng towel at naka top less sya. Ang ganda naman talaga ng katawan nya.
Ang aga aga Zandra pinagnanasaan mo sya.;sigaw ng utak ko.
Natauhan ako bigla. Bigla kong dinampot yung damit nya na pinili ko.
"Here!";lahad ko sa kanya yung damit.
Tinignan lang ako at saka nilagpasan ako at pumunta sa closet nya at pumili sya ng isusuot nya.
Napahiya man ako sa inasal nya pero di ko pinahalata. Hinintay ko syang magbihis at mag-ayos ng sarili nya.
Pilit kong kinalma yung sarili ko para di makitang apektado ako sa pambabalewala nya.
"Uhm Ranz nagluto ako ng breakfast. Tara kain muna tayo.";nakangiting anyaya ko.
Tumingin sya sakin ng malalim.
"No thanks!";matipid na sagot nito.
Lumapit ako sa kanya.
Nakakapanghina naman ng tuhod to. Ang bango.
Gusto ko na ngang itapon yung sarili ko sa kanya para mayakap sya. Pero buti nakakapagpigil pa ako.
Bigla ko syang hinila.
"Tara na sabayan mo naman ako.";sabi ko at hinila na papuntang dining.
Buti naman kahit pano hindi nagprotesta sa ginawa ko.
Pinaupo ko sya at nilagyan ko ng pagkain yung plato nya.
"Kain kana!";utos ko.
"Magtimpla lang ako ng coffee.";sabi ko sabay punta ng kitchen para gumawa ng coffee.
Pagbalik ko di naman nya ginalaw yung pagkain nya. Nakatingin lang sya sakin.
"Here's your coffee.";nakangiting bungad ko. Pagkalapag ko ng kape umupo ako sa katapat nya na upuan.
"Kain na.";yaya ko ulit sa kanya habang kumukuha ako ng pagkain ko.
Hindi pa man ako nakakasubo ng magsalita ito.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomantikPaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...
![Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/39695204-64-k525894.jpg)