Nagulat ako sa biglang pagpasok ni Ranz at wala akong nagawa dahil sinunggaban ako ng yakap na sobrang higpit.
Di ko alam kung pano mag re-react. Napapikit ako at napangiti ako ng mapait habang yakap-yakap nya ako.
Bakit iba ang dating sakin ng yakap nya ngayon?
Kay tagal kong gustong makulong sa mga bisig na to.
Dati sabik akong makulong, sabik akong maranasan at sabik akong maramdaman yung ganitong klaseng yakap mula sa kanya.
Kahit gusto kong tugunan ang yakap nya..kahit gusto kong damhin yung ganitong kakaibang pakiramdam pero mas nanaig pa din yung isip ko.
Ayoko ng bigyan ng chance ang puso ko na mahulog ulit dito. Hinayaan ko syang yakapin ako.
Dati pa nangangarap ako na mayakap nya ako na higit pa sa kaibigan ang turing nya sakin.
Pero wala talaga hanggang pangarap na lang. Di ko alam kung ano ibig ipakahulugan nya sa biglang pagyakap nya.
Naramdaman kong hinalikan nya ako sa ulo at noo.
"I miss you Zans!";narinig kong usal nito.
Pero ayoko kong magpa-apekto dito.
Maya-maya humiwalay sya sakin.
"Zans can we talk?";medyo paos na tanong nito.
Huminga ako ng malalim. Siguro nga pagbigyan ko na lang na kausapin para matapos na.
"Okay! Upo ka.";sabi ko at nauna na akong pumunta sa living room.
"What about?!";diretsang tanong ko.
Tumingin sya sakin at humugot ng hininga bago magsalita.
"I want to say sorry for all the things that i've done. Sorry dahil nasaktan kita ng sobra.";sabi nito.
"I'm really sorry Zans!";sinserong sabi nito.
Tinitigan ko sya at ngumiti ako bago nagsalita.
"Honestly masakit but I've learned a lot because of that. I've learned how to survive without anyone's help. I became more independent. Mas minahal ko ang sarili ko at mas pinahahalagahan ko na ngayon. And thank you at ikaw ang rason kung bakit ko natutupad ang mga pangarap ko ngayon. And I can say I'm contented what I have right now.";sagot ko sa kanya.
"What about us?!";tanong nito na nakatitig sa mga mata ko.
Sinalubong ko ang mga titig nya.
Ano ibig nyang sabihin na "what about us"?!
Gusto ko ipakita na hindi na ako yung dating Zandra.
"It's been five years since I gave all your freedom! And honestly I don't care for you anymore. Kasi kung anuman yung nakaraan natin...don't you think isang bangungot lang yun. Dahil wala man lang magandang memories na pwedeng balikan na alalahanin. Buti nga tinulungan mo akong magising din sa realidad. Kaya kahit anuman ang gusto mong gawin wala na akong pakialam Ranz.";seryosong sagot ko.
"I've already moved on and don't worry napatawad na kita at ayoko ng balikan ang kahapon.";dagdag ko.
Di ko alam kung pain yung nakikita ko sa mga mata nya. Pero binalewala ko yun.
"Hindi mo na ba ako mahal?!";biglang tanong nito.
Siguro sapat na ang mahabang panahon para harapin ang ganitong sitwasyon.
Napahinga ako ng malalim bago ako tumingin sa kanya at sumagot.
"Hindi na dahil kusang nawala!";seryoso na sagot ko.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomancePaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...
![Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/39695204-64-k525894.jpg)