Mabilis lumipas ang araw. Wala na akong ginawa kundi isubsob yung utak ko sa boutique.
Habang tumatagal mas lumalayo si Ranz. Halos di na kami nagkikita kasi halos di na umuuwi. Di ko na alam kung san tumutuloy.
Kumikirot lang yung dibdib ko sa isiping sa babae nya sya umuuwi.
Gayumpaman mas ginawa kong abala ang sarili ko para mawaksi si Ranz sa isip ko.
Ganito na lang palagi! Wala ng pagbabago. Araw-araw may kirot sa puso ko.
Nakatulala ako at naglalakbay ang diwa ko ng bigla ako gisingin ng pag ring ng phone ko.
"Hello.";matamlay na sagot ko.
"Hi iha..how are you?!";sagot ng nasa kabilang linya.
Nabosesan ko kaagad.
"Hi m-mama! I'm good. Kayo po kumusta na po?!";pilit kong pinasigla yung boses ko.
"Ayos lang ako iha. Kayo kumusta kayo ng anak ko?! Sana maayos lang ang pagsasama nyo.";magiliw na sabi nito.
"Kelan ba ako magkaka-apo?";!biglang tanong nito.
Para akong nasamid sa biglang tanong nito.
"Ha- Eh wala pa po yata. Mahina po yung anak nyo.";pagpapatawa ko.
Sarap sanang dagdagan ng.... Sa sobrang hina nga mama until now certified virgin pa ang manugang mo. ;saisip ko.
Tumawa lang sya sa sinagot ko.
"Sana soon mabigyan nyo naman na ako ng apo.";masayang sagot nito.
"Wag po kayo mag-alala at igagawan ka po namin.";pilit kong pinasaya yung boses ko sa sinagot ko.
In your dreams Zandra!;kontra ng isip ko.
"Dapat lang iha at ako'y sabik na sa magiging supling nyo.";aniya.
"Anyway maiba ako iha. Birthday na ni Ranz next week. What's your plan?! Di ba you celebrated together kasi ilang araw lang yung pagitan nyo?! Mag out of the country or out of town ba kayo?!";tuloy-tuloy na tanong nito.
Oo nga pala muntik ko ng makalimutan next week na pala yun.;saisip ko.
"No plans yet mama. Maybe sa bahay lang. Busy kami sa trabaho kaya baka wala kami time umalis.";sagot ko na lang.
"Sad to say di na naman ako makauwi. Busy kasi ang mama nyo dito.";sabi nito.
"Okay lang po yun mama bawi na lang po kayo pag umuwi ulit kayo dito.";sagot ko.
"Ikumusta mo na lang ako sa kanya iha. Maybe next year pa ulit ako makauwi dyan. Magmahalan kayong mag-asawa.";bilin pa nito.
"Opo mama.";sagot ko na lang.
Tapos na kaming mag-usap ng mama ni Ranz pero nanatili pa din akong nakatingin sa kawalan.
Birthday na pala nya next week at the other week naman ako. Last year sa boracay kami nag celebrate kasama ang buong barkada.
Pero ngayon mukhang malabo na. Busy na ang lahat.
Napakalungkot naman ng taon na ito.
Abala ang isip ko sa paglipad kung saan ng may biglang kumatok sa office ko.
"Come in.";sagot ko.
"Hi!";nakangiting bungad ni harold pagbukas ng pinto.
"What are you doing here?!";kunot-noong tanong ko.
"Sorry to disturb you. Pinatuloy na ako ng sales staff mo.";saad nito.
Tinuro ko yung upuan para umupo sya.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomansaPaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...