Chapter 25

18.8K 233 12
                                        

Ranz

Galing ako sa birthday party ng isa sa kliyente ng kumpanya. Medyo late na kaya nagmamadali akong umuwi at may importante akong meeting bukas.

Ayokong puyatin ang sarili ko ngayon. Nakita kong pasara na yung lift kaya hinabol ko para makasakay.

Medyo nagulat ako dahil may sakay pala ito. At iisang floor pala kami.

Mukhang lasing ang isang to. Amoy alak.;saisip ko.

Pero di ko alam kung bakit namamagnet ng mata ko ang babaeng ito.

Di ko maiwasang mapalunok. Sobrang ikli ng suot. Kita ang mapuputing legs at dumako yung mata ko sa may dibdib nya..lakas ng epekto.

Ano ba Ranz!;sita ng isip ko.

Di ko alam kung nakita ko na to. Nakatabing kasi yung buhok nya sa mukha kaya di ko makilala.

Maya-maya hinawi nya yung buhok nya sa mukha pero nananatiling syang nakapikit.

Ganun na lamang ang gulat ko ng makilala kung sino sya.

"Zandra?!";usal ko. Pinagmasdan ko ulit sya kung namamalik-mata lang ba ako. Gumanda man sya lalo pero di ako pwedeng magkamali.

Biglang bumukas ang lift. Dumilat sya pero di nya ako napansin. Nauna syang lumabas. Nakakailang hakbang pa lamang sya ng bigla syang matumba. Buti na lang at mabilis ko syang nasalo.

Inihiga ko sya sa kama. Pagkatapos ko syang banyusan at palitan ng damit mataman ko syang tinititigan.

"Zans sobrang na miss kita.";bulong ko.

Andami kong gustong sabihin sayo. Akala ko di na kita makikita pa.

Paggising ko mahimbing pa din na natutulog si Zandra na yakap yakap ko.

Ang sarap sa pakiramdam. Ang tagal kong hinintay yung ganitong pagkakataon na makasama sya ulit.

Kung di lang importante yung meeting ko ngayong araw na to ayoko na sanang pumasok.

Bago ako umalis di ko napigilan ang sarili ko na magnakaw ng halik sa kanya.

"Sana pag-uwi ko andito ka pa. Madami tayong pag-uusapan.";bulong ko.

Pagkatapos ng meeting ko. Pina-cancel ko ng lahat ng schedule ko sa araw na to. Halos liparin ko na ang pag-uwi. Umaasa na maabutan ko pa si Zandra.

Pagdating ko ng condo. Ganun na lamang ang panlulumo ko dahil wala akong Zandra na nadatnan.

Lumabas ako at kumatok ng kumatok sa kabilang unit pero isang oras na wala pa ding nagbubukas ng pinto.

Bumalik ako sa unit ko...malamang wala sya sa loob ng unit nya. O kung meron man baka ayaw nya akong makita.;malungkot na saisip ko.

Nakatitig ako sa kama kung san kayakap ko sya magdamag.

* FLASHBACK *

After a week pagkatapos ng huli naming pag-uusap ni Zandra. Ang tagal ko ng nag door bell sa unit nito pero walang nagbubukas sakin ng pinto. Kaya sinadya ko sya sa boutique nya at I'm sure andun lang yun.

Baon ko ang pag-asa na makausap ko sya. Pero yung pag-asang yun naglaho ng sabihin sakin ng staff nya na may inasikaso sya abroad at baka matagalan.

Right then alam ko na ako ang dahilan kung bakit sya lumayo.

Napaka-gago mo kasi!;hiyaw ng puso ko.

Alam ko kasalanan ko to...tinulak ko sya palayo sa buhay ko.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon