Chapter 11

13.9K 205 11
                                        

Wag kang iiyak Zandra!!;kastigo ko sa sarili ko..kinagat ko ang labi ko.

At paulit-ulit akong kumurap-kurap para di malaglag yung luha ko.

Ngayon ko lang naunawaan na kasama namin si Irene na a-attend sa kasal.

Ang sakit namang parusa ito. Humugot ako ng malalim na hininga bago ako nagsalita.

"Uhm...Ranz Irene kain muna tayo ng breakfast bago tayo alis.";halos pumipiyok na anyaya ko.

Nauna na ako sa dining table. Di ko na sila inantay. Kumuha ako ng isa pang plate para kay Irene.

Ngayon lang kumain si Ranz ng niluto ko. Wala lang syang choice dahil andito si Irene.

Nasaktan ako ng makita kong pinagsilbihan ni Ranz si Irene sa harap ko.

Alam mo yung pakiramdam na gusto mong sumigaw ng sumigaw pero nagpipigil ka dahil di mo kaya.

Itinuon ko na lang sa pagkain yung atensyon ko dahil wala ng katapusan na sakit ang nararamdaman ng puso ko.

Sakay na kami ng kotse ni Ranz patungong batangas. Nasa likuran ako ng kotse at magkatabi sila sa harap.

Panay ang harutan nila habang byahe. Naiinip na ako. Gusto ko ng makarating para takasan itong nakikita ko.

Hindi din nakaligtas sakin yung paghawak-kamay nila habang yung isang kamay ni Ranz nagmamaneho.

"I love you sweetheart".narinig kong saad ni Ranz sabay kiss sa likod ng palad ni Irene.

Bigla akong napapikit. Sinasadya nya na iparinig at ipakita sakin lahat ng ito.

Pinili ko manatiling nakapikit yung mata ko dahil ayokong makita sila.

Ako ang asawa pero ako pa pala ang walang karapatan sa kanya. Ang sakit lang talaga.

Pagdating namin ng private resort kung san gaganapin yung wedding. Andun na naghihintay ang barkada.

Masaya nila kaming sinalubong.

Niyakap ko sila isa-isa. Kahit sa ganitong yakap ko ang barkada maramdaman ko naman na di pa ako nag-iisa.

"Oh may kasama pala kayo?!";puna ni Bench.

"Uhm guys meet my fiancee Irene!";pagpapakilala ni Ranz.

Parang isandaang katao ang bumubugbog sa puso ko ngayon dahil sa narinig ko.

"Hi guys!";matipid at nakangiting bati nito at sinabayan pa ng pagkaway.

"So finally...nakilala din namin ang fiancee nitong si Ranz.";masayang komento ni Vic.

"Tamang-tama guys ang dating nyo nakahain na yung lunch natin. Dun na natin ituloy ang kwentuhan.";singit ni Sam.

Habang kumakain..feeling ko ako ang extra dito. Ang saya ng kwentuhan nila. Si Irene mukhang at home na sa barkada.

"So kelan naman ang kasal nyo Ranz?!";biglang tanong ni Nancy habang kumakain.

Nakatuon yung mata ko sa kanya. Tumingin lang sya saglit sakin.

"Maybe next year guys! May inaayos pa kasi ako.;sagot nito. Wag kayong mawawala ha pag ako ang ikinasal?!";dagdag pa nito.

"Naku Ranz kahit wala kaming invitation susugod kami pag ikaw ang ikinasal!";natatawang komento naman ni Candy.

At nagtawanan sila dahil sa sinabi nito..ako lang yata ang hindi nagbigay ng anumang reaksyon. Buti at walang nakakapansin sakin.

Binilisan kong kumain. Nang makakuha ako ng tyempo nagpaalam muna ako sa kanila para maglakad-lakad.

Ang totoo nyan di ko na kaya. Baka anytime sasambulat na lang ako sa sobrang pagpipigil ng galit.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon