Umupo ako sa tabi ng kama kung san natutulog ito. Biglang lungkot at parang may kirot na nararamdaman sa puso ko.
Napangiti na lang ako ng mapait habang mataman ko syang tinititigan.
"Ganito pala ang pakiramdam na mahalin ka.";bulong ko.
Humugot ako ng malalim na hininga bago ako lumabas ng kwarto.
Alas dos na. Natapos na ako mag prepare ng lunch namin ni Ranz pero mukhang masarap pa din ang tulog nya.
Hanggang ngayon di pa sya lumalabas ng kwarto ko. Nanood muna ako ng tv sa sala habang inaantay ko sya magising.
Alas tres na ng tangka ko ng gisingin para makakain na kami.
Pagpihit ko sa pinto ay sya naman pagbukas nya. Nagkagulatan pa kami lalo na sa hitsura nya ngayon.
Bakit naman naka top less ang lalaking to;saisip ko.
Di ko namalayan na pinasadahan ko ng tingin ang katawan nyang parang kay sarap yakapin. Mukhang alaga sa gym.
"Ehem..satisfied bez?!";untag nya sakin.
Para naman ako nahimasmasan at patay-malisya ko lang sya tinignan sabay sabing....
"Di ka naman mayabang noh bez?! Wag ka ngang mag to-top less at di mo bagay."; nasabi ko na lang para di mahalatang affected ako masyado na wala syang pantaas.
"Ang init kaya sa kwarto mo bez di mo man lang binuksan yung aircon.";reklamo nito.
"Kasalanan ko pa ngayon. Ikaw na nga tong nakikitulog lang magrereklamo ka pa!";sabi ko.
"Lika na nga kain na tayo at kanina pa ako nagugutom kakaantay sayo magising.";aya ko na dito.
Nauna na ako dumulog sa lamesa habang nakasunod lang sya.
"Wow naman bez mahal mo talaga ako noh dahil niluto mo pa talaga ang paborito ko?!";nakangiting wika nito.
Saktong umiinom ako ng tubig kaya medyo nasamid pa ako sa komento nya sakin.
"Uhm..kain ka na lang pasalamat ka bestfriend kita.";sabi ko habang pinaglalagay ko sya ng kanin at sinigang na hipon.
At hindi pa ako nakuntento dahil pinaghi-himay ko pa sya ng hipon para kain na lang ang gawin nya.
"Ang sweet talaga ng bestfriend ko kahit kelan. Swerte ko naman talaga. Pero mas maswerte yung magiging boyfriend mo bez kasi maasikaso ka.";puri sakin ni Ranz na inirapan ko lng.
"Gutom lang yan bez kain ka na nga.";dugtong ko.
"Hindi naman, ito talaga buti nga pinupuri kita.";sabay tawa nya.
"Pasensya ka bez di talab sakin yang papuri mo.";salag ko sa kanya kahit ang totoo'y kanina pa ako kinikilig.
Pero di ko papahalata dito na nagdiriwang ang puso ko.
Ang gana nyang kumain kaya pati ako sobrang gana din kaya naubos namin lahat ng kanin at ulam.
"Nabusog ako bez..thanks as always ang sarap mo magluto.";puri ulit nito habang tumatayo.
Nagprisinta na sya maghugas kaya hinayaan ko na lang.
Habang naghugugas sya sa kusina pumunta ulit ako sa sala at humarap ako sa laptop ko at naghahanap ng magandang location para sa plano kong business.
Pero till now nag-iisip pa din ako kung ano magandang business na itatayo ko.
Since may pera pa naman ako na naiwan ng parents ko sakin. Makakapag-start ako ng isang business na pinag iisipan ko pa.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomansaPaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...
![Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/39695204-64-k525894.jpg)