Napapitlag pa ako sa biglang pagsara ng pinto ng kotse.
Nandito na pala kami sa parking area ng building namin. Bumaba si Ranz at pabalibag na sinara ang pinto.
Dun natapos ang pagbabalik-tanaw ko kung bakit nakasal kami ng ganun kabilis.
Bumaba na din ako. Ano pa bang gagawin ko kung nauna na at ni hindi man lang nag-abala na ayain ako..ni hindi nag-aksayang maghintay para makasabay ako sa pag-akyat sa condo.
Pagdating ko sa elevator..andun pa sya nag-aantay bumaba yung lift.
Pagbukas ng lift sabay kaming pumasok. Hindi sya umiimik kaya ako na ang unang nagsalita.
"Kuha lang ako ng ibang gamit ko..wag mo na lang muna i lock yung pinto mo.";basag ko sa katahimikan.
Tumingin lang sya sakin. Ni hindi ko mabasa kung ano ibig nyang sabihin.
Syang bukas ng elevator. Nauna na akong lumabas. Dumiretso ako sa unit ko. Kuha lang ako ng ibang gamit para madala sa bahay ni Ranz.
Pagdating ko sa unit ko parang nanghihina akong bumagsak sa kama ko.
Panindigan mo na to Zandra. Nag-ipon ako ng lakas.
Ilang beses akong humugot ng malalim na paghinga.
Kumuha ako ng ilang personal na gamit. Saka ako lumipat sa kabilang unit.
Hindi yun naka lock. Pagpasok ko di ko inaasahan na andun sya nakaupo sa sala nya.
Mukhang inaantay ako. Huminga ulit ako ng malalim. Tuloy-tuloy ako, nilagpasan ko sya.
Dumiretso ako sa kwarto nya. Nilabas ko yung mga gamit ko at inuumpisahan iayos.
Di ko alam na sumunod pala sya.
"1 year lang kitang magiging asawa sa papel Zandra. After that mag divorce tayo.";sabi nito na nagpa-angat sakin para tignan sya.
"Pagbibigyan ko lang kayo ni Mama. Pero hindi ibig sabihin na habang buhay tong kasal na to. Alam mong walang nangyari satin dahil lasing din ako nun. At higit sa lahat wala akong nararamdaman para sayo!";patuloy na litanya nya.
Nasaktan ako pero bakit ko ipapakita sa kanya na mahina ako.
"Divorce agad-agad?! Wow ha Ranz! Anlabo mo. Eh di sana tumutol ka na lang para wala kang pro-problemahin na divorce divorce.";inis na sagot ko.
"Ang alam ko walang expiration ang kasal natin!";pang-aasar ko.
"Kung makapag-salita ka parang hindi mo ako kilala. Inutusan ba kitang tumabi sakin?! Ikaw tong pumasok sa kwarto ko. Kaya wag mo isumbat sakin na parang ako ang may kasalanan. May nangyari man o wala eh wala na akong pakialam dun. Andito na tayo kaya sana tanggapin na lang natin para maayos ang pagsasama nating dalawa.";may diin kong pahayag.
"Kung naging mabuti man akong kaibigan sayo..wag mong asahan na magiging mabuti akong asawa sayo Zandra!";malamig na sagot nya sakin saka walang paalam na iniwanan ako.
Naiwan akong tulala.
Kalma Zandra.;payo ko sa sarili ko.
Di ko alam kung san sya nagpunta at kung ano oras na sya dumating kagabi pagkaalis.
Ayokong kunsumuhin ang sarili ko.
Ang saya naman, unang gabi pa lang..ganito na. Matatagalan ko ba to?!
Ayaw mo nun sa lahat ng kinasal kaw pa lang ang virgin.;pagpapatawa ko na lang sa sarili ko.
Magiging mabuting asawa ako sayo Ranz!;paulit-ulit kong tinatatak sa isipan ko.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomancePaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...
![Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/39695204-64-k525894.jpg)