"San ka pupunta?!";biglang tanong ko ng akmang lalabas na ng kwarto.
Nilingon nya ako saglit.
"Magkikita kami ng babaeng mahal ko.";malamig na sagot nya.
Yun lang at umalis na sya.
Kailangan pa ba nyang ipamukha sakin yun.
Ganun ba sya ka manhid para di nya maramdaman na kahit pano nakakasakit na sya?!
Ang manhid mo!;sigaw ng isip ko.
Di ko alam ano oras na ako nakatulog kagabi. Kahit anong gawin ko inantay ko pa din sya kahit masama ang loob ko.
Nagising ako ng madaling araw at nakita kong nakahiga sa dulo nitong bed.
Nakatalikod sya sakin.
Kay layo-layo mo kahit abot-kamay kita.;saisip ko.
Gusto ko na ngang sugurin ng yakap. Iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko sya.
Bakit nga ba hindi?! Asawa ko naman na sya. Bigla ako umusog sa kanya at niyakap ko sya sa likod.
Ang lakas ng pintig ng puso ko..nagwawala dahil sa lalaking to.
Mukhang nagising dahil gumalaw ng konti na parang sinasabing layuan ko sya.
Hinigpitan ko pa lalo yung pagyakap ko sa kanya.
Pero nagulat ako ng hinawakan nya yung kamay ko at alisin sa pagkakayakap sa kanya. At walang kibong tumayo at lumipat sa couch.
Ansakit nun ah!!! Bigla akong pumunta sa banyo.
Dahil parang di ko na kakayanin tong nararamdaman ko. Binuksan ko yung shower kahit malamig ang tubig.
Tumapat ako dun..sabay ng paglagaslas ng shower ay sya din pagbuhos ng luha ko.
Isang oras yata akong umiyak at hinayaan ang sarili ko ilabas ang luhang naipon ko.
Inabot pa ako ng isang oras ulit dahil tuluyan na akong naligo. Maaga na lang ako papasok sa boutique.
Paglabas ko ng banyo. Nakahiga pa din sya sa couch at dun na talaga natulog.
Nagbihis lang ako at nag-ayos.
Naglabas ako ng damit nya ulit at nilapag sa bed.
Nagluto muna ako ng breakfast nya baka sakali maisipan nyang kumain ngayon wala ako.
Alas sais pa lang ng umaga ng lumabas ako ng condo.
Pano pala ako pupuntang boutique eh siguradong sarado pa ang mall. Kaya nagpasya na lang ako maglibot libot kung saan.
Gusto kong ma relax ang isip ko. Masyado ng nai-stress. Sumasakit lang ang ulo ko.
Nang mapagod ako sa kakaikot nagpasya na akong pumunta na sa boutique.
Buong araw kong inabala ang sarili ko. Mabuti at madaming costumer kaya kahit pano gumaan yung pakiramdam ko sa pagiging abala ko.
Pagdating ko ng bahay kinagabihan. Pumunta akong kusina. Nakita ko yung niluto ko andun pa rin ni hindi mo makitang ginalaw.
Luto ka ng luto wala naman nag-aaksayang kumain.
Kinain ko na lang yun para hindi masayang. Di na din ako nag abalang magluto. Para san pa.
Bigla ko naisip 2 months na din pala kaming kasal and yet ganito pa din.
Pagkatapos kong kumain pumunta ako ng banyo para makapag shower na at ng makatulog. Parang di maayos ang pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomancePaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...