Chapter 20

16.9K 264 32
                                    

"Happy birthday!";nakangiti ko pa ding bati sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

Ito na siguro yung pinaka-malungkot na kaarawan na dumating sa buhay ko.

Nag bake lang ako ng cake para sa araw na to.

Nag send lang ako ng message kay Ranz. Hiniling ko na pagbigyan nya ako sa araw na to at ibigay na regalo na lang nya ang pagsipot sakin.

Tumingin ako sa orasan. Alas otso na ng gabi. Andito ako sa dinning nakaupo. Nakatitig sa cake na simbolo ng kaarawan ko sa araw na to.

Maya-maya pa narinig kong bumukas yung pinto kaya alam ko ng si Ranz ito.

Ni hindi ako tumayo para salubungin. Inantay ko sya na puntahan ako dito. Parang pakiramdam ko di ko kayang tumayo sa mga oras na to.

Nakita ko ng papalapit sya sakin. Napaisip ako kung bakit sobrang mahal ko ang lalaking to.

Ang gwapo pa din nya. Kahit malayo pa sya amoy ko na ang pabango nya.

Ang bilis pa din ng tibok ng puso ko..pag nakikita ng dalawang mata ko sobrang iba pa din ang epekto nya sakin.

Hindi ko pa din alam kung pano ako nahulog sa kanya ng sobra at hirap akong umahon sa pagmamahal ko sa kanya. Basta mahal ko.

Huminga ako ng malalim para makakuha ng lakas.

Hindi ko alam kung anong emosyon meron sya sa mga oras na to. Di ko mabasa.

Nang makalapit sya.

"Hi!";pinilit ko pa din ibigay sa kanya ang matamis na ngiting meron ako.

"Upo ka.";sabi ko.

Umupo sya pero nanatiling tahimik. Kaya parang naumid yung dila ko. Magkaharap na kami ngayon.

Ni di man lang nya ako binati ng happy birthday. Kaya mas lalong lumungkot ang puso ko.

Dati-rati sya yung pinaka-unang bumabati sakin.

"You want something to eat?!";tanong ko.

"No thanks.";malamig na sagot nito. Natahimik ako.

"Ano nga pala yung importanteng sasabihin mo?!";maya basag nito sa katahimikan.

Parang may bumara sa lalamunan ko kaya napalunok ako ng paulit-ulit bago ako nagsalita.

"Uhm... First of all I want to say thank you for coming tonight.";umpisa ko.

Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy.

"From now on I'm giving all your freedom Ranz! Ikaw dapat ang nakatira dito sa bahay mo..hindi ako.";pinilit kong ngumiti.

"Di ko na aantayin matapos yung 1 year na sinasabi mo. Naisip ko nga bakit ko pa aantayin.";pahayag ko habang nakatitig ako sa mga mata nya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang sinasabi ito dahil ito na siguro yung huling pagkakataon na makakausap ko sya ng ganito. Kasi pati yung friendship namin nawala na.

"Siguro mali ako na mahalin ka. Kasi akala ko nun madali lang sayo na mahalin ako pabalik kasi magkaibigan na tayo.";patuloy ko.

"Sabi nila..love can be learn. Pero ngayon ko napatunayan na mahirap pala talagang turuan ang puso. Mahal kita Ranz pero hindi pala sapat yun para maging masaya ako. Dati pangarap kita na sana pansinin mo din ako kahit konti.";saad ko.

"Konting chance lang yung hinihingi ko pero di mo kaya. Oo sobrang sakit.";hayag ko sa kanya.

Pilit kong pinatatatag ang sarili ko dahil ayaw kong umiyak na lang lagi.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon