Chapter 7

14.7K 189 8
                                        

A week later....

" May you kiss the bride ".; yun ang nagpabalik sakin sa realidad.

Parang nawala ako sa sarili ko. Tumingin ako sa kaharap ko.

Hindi ko mabasa kung anong emosyon ang nararamdaman nya sa mga oras na to.

Ganito ba ang pakiramdam ng ikasal?!

Ako lang yata ang masaya at yung mapangasawa ko ni hindi ko makitaan ng kahit konting tuwa.

Kaya ni hindi ko na mapakita yung totoong nararamdaman ko..sinasarili ko na lang ang pagdiriwang ng puso ko.

Isang smack kiss lang ang ginawa nya. Parang di ko man lang naramdaman na dumampi yung labi nya. Nasaktan ako pero ayaw kong ipahalata.

"Congratulations Mr. & Mrs. Sanchez!"; bati ng judge na syang nagkasal samin.

Kinamayan kami. Tahimik lang si Ranz at marahan lang tumango.

"Salamat po judge!";masayang sagot ko ng makipag-kamay sya.

Bukod kay Tita Anne. Isang ninong at isang ninang lang ang tumayong witness sa naganap na kasalan.

Sila ang isa sa matalik na kaibigan ng pamilya nila.

Lumapit sa akin si Tita Anne at niyakap ako.

"Welcome to our family iha!"; masayang bati nya samin.

"Thank you po!";matipid na sagot ko.

Ewan ko bakit kinakabahan ako mula kanina pa sa seremonya ng kasal.

Masaya ako dahil sa wakas ako ang pinakasalan nya pero ni hindi maalis yung kaba sa dibdib ko.

Bumaling ang Mama ni Ranz sa katabi ko. Niyakap nya din ito.

"Alagaan mo si Zandra...di na lang sya bestfriend sayo kundi asawa mo na.";bilin nito.

Nakatingin ako sa kanya para makita ko kung ano ang reaksyon nya sa sinabi ng kanyang Mama.

Marahang tango lang at di din nakaligtas yung mapait na ngiti na gumuhit sa labi nito.

Masakit isipin na di ako talaga ang pinangarap nyang mapangasawa.

Nandito na kami sa isang resto. Dito na kami dumiretso. Simpleng salo-salo lang ang celebration para sa simpleng kasal namin.

Kumakain ako pero parang di ko malasahan ang kinakain ko. Di ko matagalan ang sobrang lamig ng pakikutungo sakin ni Ranz. Ni hindi kumikibo. Nakakapanibago lang.

"Ingat kayo sa pag-uwi.";bilin samin ng Mama ni Ranz.

Yumakap ako sa Mama nya.

"Have a safe trip po Tita Anne.";malungkot na saad ko habang yakap ko sya.

"Ano ka ba iha...MAMA na ang itawag mo sakin. Masanay ka na. Ingat kayo ni Ranz.";ngumiting sabi nito.

"Okay po M-Mama..mag-iingat ka po.";nahihiyang sagot ko.

Habang sakay kami ng kotse pauwi. Nagsimula na naman magrigodon ang puso ko.

Parang daming nagliliparang paru-paru sa loob ng tiyan ko. Kinakabahan ako na ewan.

Habang daan wala kaming imikan. Ni hindi ko magawang magsimula. Lalo na ngayon at nakita ko na medyo madilim ang mukha nya.

Bakit nga ba napunta sa kasalan ang lahat ng to.

Parang biglang nag FLASHBACK sakin lahat.

___________________

Hindi ako nakatulog sa kakaisip kung pano ko sasabihin kay Ranz yung nakita ko na may kasama si Irene at niloloko lang sya.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon