Pagkatapos ng meeting ko dumiretso ako ng uwi. Parang ang bigat ng araw na to.
Di ko pa nga naaayos yung sa amin ni Zandra heto na naman si Irene biglang susulpot ulit sa buhay ko.
Sumasakit tuloy lalo ang ulo ko. Pinilit kong iwaksi sa isip ko yung sinabi ni Irene dahil di ko sya hahayaan pumasok ulit sa buhay ko.
Pagka-park ko ng sasakyan..umakyat na din ako agad sa unit ko.
Napatingin ako sa katapat na pinto. Nakaramdam na naman ako ng lungkot.
"Zans kelan ka babalik sa buhay ko?!"piping usal ko.
Pumasok ako sa unit ko. Dumiretso ako ng kwarto. Ito yung paborito kong tambayan sa loob ng unit ko.
Dito inaalala ko yung mga panahon kung san magkatabi kami ni Zandra.
Nakakalungkot lang isipin. Alam ko sa sarili ko na wala man lang magandang memories si Zandra sa bahay na to.
Ni wala akong magandang ginawa mula ng tumira sya sa bahay ko. Puro pasakit ang binigay ko sa kanya.
"Sorry Zans!";bulong ko habang nakapikit at iniisip ang mukha nito.
Umupo ako sa kama at nakatingin sa kabilang side kung san ang pwesto nya pag natutulog.
"Zans I miss you!";bulong ng puso ko.
Napahinga ako ng malalim. Ang bigat ng dibdib ko. Naipon na lahat ng sakit.
Wala akong mapaglabasan ng sama ng loob kahit sa barkada ni hindi ko magawang mag open up sa kanila ngayon ng nararamdaman ko at kung ano ang sitwasyon namin ni Zandra.
Habang nagluluto ako ng dinner ng biglang mag ring ang phone ko..unregistered number.
"Hello?!";sagot ko.
"Hi sweetheart!";bati agad nito.
"What do you want Irene?!";tanong ko dahil alam kong sya naman to.
"You!";ikli nyang sagot.
"Pwede ba Irene wala akong panahon sayo!";sagot ko saka ko in-off ang phone ko.
Ayoko ng magkaroon pa ng ugnayan sa babaeng yun kaya mas mabuti pang iwasan na lang.
Sa opisina kinaumagahan.
"Myra what's my schedule for today?!";tanong ko sa secretary ko pagkadating ko.
Sumunod syang pumasok sakin sa da loob ng opisina ko at sinabi na may tatlo akong meeting ngayon.
Natapos ang dalawang meeting ko ngayong umaga at naghahanda na akong lumabas para sa late lunch.
Sa pinakamalapit na restaurant na lang ang pinuntahan ko. Habang nag-aantay ako ng order ng biglang sumulpot nalang si Irene.
"Hi sweetheart! It's nice to see you here!";maluwag ang ngiting bati nito
at bigla na naman nanghalik.
"Sinusundan mo ba ako?!";seryosong tanong ko.
"Eh kung sabihin kong oo anong gagawin mo?!";nakangisi lang nitong sabi.
"Will you please stay away from me!";iritang sabi ko.
Pero parang walang narinig, nakangiti lang sya at umupo sa bakanteng upuan sa harap ko at tinawag ang waitress para mag-order din. Napailing na lang ako sa inaasta nya.
"So sweetheart have you decided when we will get married?!";basag ni Irene sa katahimikan.
Tumingin ako sa kanya ng diretso.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomancePaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...
![Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/39695204-64-k525894.jpg)