Chapter 27

18.4K 247 0
                                        

Ranz

Napahinga ako ng malalim pagkalapag ko sa kanya sa kama nya. Kumuha ako ng bihisan nya para mapalitan sya.

Di ko mapigilan hangaan ang katawan nya. Biglang sumagi sa isip ko yung gabing may nangyari samin.

Alam ko nasaktan kita. Sorry dahil alam ko nun pa man na gusto mong ibigay ang katawan mo sa lalaking mahal ka at mahal mo.

Yun yung isa sa pangarap mo. Sorry kasi di mo man lang alam ang tunay na nararamdaman ko.

Ganun mo ba ako kamahal Zans dahil di mo na nahintay na marinig o maipadama na mahal kita bago mo binigay sakin ang buong ikaw?

Ang swerte ng asawa mo pero dakila syang gago.;malungkot na saisip ko.

Katatapos ko pinunasan at bihisan si Zandra. Payapa pa din syang natutulog. Hinaplos ko yung pisngi nya at mataman ko syang tinititigan.

"Zans ang laki ng pinagbago mo! Kelan ka pa natutong maglasing at mag bar? Kanina di mo lang alam kung pano ko na kontrol ang sarili ko ng halikan mo yung lalaking yun. Gusto ko syang patayin. Gustong kitang hablutin palayo sa lalaking yun pero anong karapatan kong gawin yun?! Nasasaktan ako pero alam ko na tama lang lahat na maramdaman ko ito dahil ganito siguro yung sakit na nararamdaman mo nung panahong ako ang hindi matino. Sana bigyan mo ako ng chance para bumawi sayo. Sana bumalik kana. Kasi yung nakikita ko ngayon na ikaw di ko na yata kilala. Di ko napigilan ang sarili ko na dampian ng halik ang labi nito. Miss you Zans!";kausap na bulong ko.

Lumipat na din ako sa unit ko ng alam kong ayos na sya.

Nakatingin ako sa kisame habang iniisip si Zandra. Bakit ganito ang pakiramdam ko.

Parang di ko na maramdaman na mahal pa nya ako. Bakit natatakot ako na wala na syang pagmamahal sakin.

Kinabukasan kinatok ko sya sa unit nya bago ako punta sa birthday party ni baby Karl.

Nagbabaka-sakali na makausap ko pa din sya pero higit isang oras na pero wala pa din bumubukas ng pinto.

Siguro tulog pa dahil sa kalasingan.;saisip ko.

Di bale subukan ko ulit maya pagbalik ko baka sakaling makausap ko na.

Pinarada ko yung sasakyan ko sa labas ng bahay nila Sam. Madami na din silang bisita pagdating ko pati ang barkada andun na.

Sinalubong ako ni Len.

"Oh ranz! Buti nakarating ka. Kala namin mang-iindiyan ka na. Late ka ha...1pm na kaya.";puna nito.

"Dumaan pa ako bumili nito.";nakangiti kong sagot sabay taas ang gift para kay baby Karl.

"San ba si baby?!";tanong ko habang naglalakad papunta sa pwesto ng barkada.

"Hayun tulog na sa pagod. Sabi kasi 10am you need to be here.";sagot nito.

"Di bale antayin kong magising para ma greet ko naman ang unang baby ng barkada.";nakangiti kong sagot.

"Oh bakit ang tagal mo bro?!";bungad agad ni bench pagkalapit ko.

"Bumili pa ako ng gift.";palusot ko.

Alangan sabihin ko andito na si Zandra.

"Ranz kain ka lang ha...feel at home.";alok ni Sam.

"Tapos na kasi kaming kumain.";dagdag nito.

"Okay lang guys di pa naman ako gutom. Maya na lang.";sagot ko.

Maya-maya may sinalubong din si Sam.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon