Ngayon ko lang na-realized na ganun pala katagal kong nawala at masaya akong kasama ang buong barkada.
Pagkakita ko sa kanilang lahat iba pa din yung naramdaman kong saya.
Na miss ko din ang ganitong bonding namin. Pero kinokontrol ko ang emosyon ko lalo na pagdating kay Ranz.
Aminin ko man o hindi lalo syang naging gwapo sa paningin ko. Pati yung amoy nya na parang na miss ko.
Yung pagyakap ni Ranz kanina nagulat man ako pero di ko pinahalata.
Gusto ko din umakto ng normal sa harap nila para walang mapuna ang barkada na may naging nakaraan kami ni Ranz.
Akala ko nga kasama nya si Irene ngayon. Kasi ganun naman sya mula nun laging nyang sinasama.
Kahit gusto ko magtanong nagtimpi ako baka sabihin pang affected ako since wala na akong pakialam.
Yung panunukso nila...kung dati tuwang-tuwa ako. Ngayon wala akong makapa sa puso ko na tuwa.
Dahil parang bumabalik lang sakin yung nakaraan. Ayoko ng maramdaman yung sakit ng kahapon.
Kanina nagising lang ako sa tawag ni Nancy. Parang wala na akong balak pumunta dito.
Kaso mapilit siya. Sabihan ba naman akong ipapasundo ako kay Ranz kaya pinigilan ko na lang at sinabing ako na ang pupunta.
And one more thing.
What a small world..andito si Jack! And yes naaalala ko sya.
Ako yung tipo na kahit lasing alam ko pa din ang ginagawa ko at kilala ko pa din yung mga taong nakakasalamuha ko.
Napabungtong-hininga ako.
And ngayon kausap kami ni Len para mag stay pa para makapag-bonding na din.
Gustong-gusto ko sanang isagot kay Nancy na for sure maiinggit ako sa baby nina Len.
Biglang pumasok sa utak ko yung baby ko. Ang lungkot lang na di man lang kami nabigyan ng pagkakataon na makasama ang isa't-isa.
Maya-maya pa'y nagsimulang mag-alisan na ang mga bisita. Mga 5pm na din kasi tapos na ang party.
Masaya pa din sila nagkwekwentuhan pero yung isip ko lumilipad.
"Excuse me guys."; tumayo ako at nagpaalam muna saglit.
"Ikot-ikot lang ako."; dagdag ko at hindi ko na sila hinintay sumagot.
Maganda tong bahay nila Len at Sam. May malawak na garden kung san dito nila inayos para sa party.
Nakatingin ako sa mga famous na cartoon character na syang theme ng party.
Naiinggit ako dahil di man lang naranasan ng baby ko na magkaroon ng ganito.
Lumulungkot lang ako kaya tinahak ko yung papunta sa may likod kung san may pool. Maaliwalas ang paligid.
Alam ko ganito ang dream house ng mag-asawa. Masaya ako na masaya sila bilang pamilya.
Umupo ako sa may cottage na naroon. Napapikit ako. Maya-maya naramdaman kong may tumabi sakin kaya napadilat ako.
"Hi! Sorry to disturb you.";nakangiting sabi nito.
"It's alright.";maikling sagot ko.
"I'ved been searching you since that night. Akala ko di na kita makikita.";saad nito.
"What do you want?!";diretsang tanong ko kay Jack.
Parang alam ko na to eh. Ganito naman yung mga lalaking nakikilala ko sa bar.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomansPaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...
![Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/39695204-64-k525894.jpg)