Chapter 5

16.2K 219 5
                                        

Nakaalis na si Tita Anne. Ayun puro kwentuhan lang kami.

Pati yung di nya pagdalo sa graduation namin humingi sya na pasensya.

Nagkataon may konting problema sa negosyo nila abroad kaya unahin na lang daw nya dahil sa yun ang gusto ni Ranz. Atleast kahit pano naka bakasyon pa din sya dito.

Napagkasunduan din namin na mag out of town kami kasama si Ranz bago sya babalik ng U.S.

Araw-araw busy ako gayundin si Ranz kaya wala na kaming time magkita kahit sabihin pang magkapit-bahay lang naman kami.

Syempre yung free time nya baka sa girlfriend na nya ginugugol.;malungkot na isip ko.

Patapos na yung boutique ko at maybe 1 week pwede ko ng iayos kung kelan ang grand opening.

Masaya ako dahil sa achievement na to. Kahit pano may napatunayan ako sa sarili ko.

Sunday na pala bukas. Ano kaya pwede kong gawin para di ma bored?

Ayaw ko kasi ng nakatambay lang. Ayaw ko bigyan ng pagkakataon na walang magawa para di ko maisip si Ranz.

Kina-umagahan..Kakagising ko palang at kasalukuyang nagtitimpla ng kape ng may nag door bell.

Ang aga naman mang istorbo to!;saisip ko.

Sobrang gwapo at ang lapad ng ngiti ng nabungaran ko pagbukas ng pinto. Umaalingasaw pa sa sobrang bango.

Nakakatulala.

Yung sobrang ngiti nya biglang napalitan ng pagkunot ng noo ng tignan ako from head to toe.

At di din nakaligtas sa paningin ko yung paglunok nya ng huminto ng ilang segundo ang mata nya sa may dibdib ko.

Natauhan ako bigla!

Nag sink in sakin kung ano hitsura ko dahil kababangon ko palang.

Nakasuot ako ng maiksing short at manipis na medyo loose shirt.

Naalala kong wala akong suot na bra!

My gosh!

Pulang-pula ang mukha ko. Biglang sara ko ang pinto at tumakbo pabalik ng kwarto saka nagsuot ng bra.

Tumakbo ako pabalik..huminga muna ng malalim bago ko ulit binuksan. Buti andun pa naghihintay at di pa umalis.

"Good morning bez!";masiglang bungad ko.

Ayaw kong ipahalata na napahiya ako sa nakita nyang hitsura ko.

"Tuloy ka. Ang aga mo naman mambulabog.";tuloy-tuloy na litanya ko habang papunta ako ng kusina.

Nakabuntot lang sya.

"Coffee?";tanong ko.

"Yes please.";tugon nito na may kasama pang matamis na ngiti.

"Na miss ko naman ang bestfriend ko kaya pinasyalan ko. Di ko naman akalain na may magandang view pala dito.";sabi nito nakatingin sakin na nangingiti.

Di ko sya na gets agad pero ng maisip ko yung nadatnan nyang hitsura ko saka ko napagtanto yung sinasabi nyang view.

Pinamulahan ako ng mukha. Bigla ko syang binato ng kutsara at inirapan.

"Ang aga-aga nang aasar ka.";inis na sagot ko.

"Umalis ka na lang kaya at wala ako sa mood.";dugtong ko.

Tinatawanan lang nya ako sa nakikitang pikon ako.

Lumapit sya sakin ng sobrang lapit. Nakakapanghina ng tuhod.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon