Chapter 48

12.8K 158 2
                                        

Ranz

Dumiretso ako ng kusina para magluto.

Yes, I know how to cook now. Di gaya dati nakikikain lang ako kay Zandra nung magkaibigan palang kami.

Di nalingid sakin yung gulat nya kanina ng sabihin kong magluluto ako. I learned how to cook ng wala na sya.

Habang nagluluto, iniisip ko na sana magustuhan nya. Ngayon palang ako magluluto para sa iba.

Pagkatapos ko mag prepare sa table pumunta ako sa sala para tawagin sya para kumain.

Paglapit ko tulog na sya. Umupo ako sa tabi nya. Pinagmasdan ko sya habang mahimbing na natutulog.

Ang bigat ng pakiramdam ko. Ang dami kong naipon dito sa dibdib ko na di ko man lang masabi-sabi.

Gaya kaninang umaga.

Excited akong masilayan at makasama na sya kaya gusto kong agahan ang pagsundo sa kanya pero naudlot yun ng makita kong nasa labas ng unit nya si Brad.

Parang sinaksak ang puso ko ng makita kong gumanti sya ng yakap pabalik dito ng yakapin sya nito.

Ang sakit pala. Ngayon natatakot ako. Takot akong tuluyan mahulog ang loob nya sa iba.

Pero gusto ko mag act ng normal sa harap nya ng makaharap ko sya at wag isipin ang eksenang nakita ko kanina.

Hinawi ko ang ilang hiblang buhok na nakatabing sa may mukha nya.

Hindi maikakaila ng puso ko na mahal ko ang babaeng nakikita ngayon ng mga mata ko..mahal na mahal.

Marahan ko syang tinapik para gisingin.

"Wake up Zans. You need to have something to eat before you sleep.";gising ko sa kanya.

Maya-maya'y nagmulat sya ng mata at diretsong nakatitig sakin.

Bakit ang lungkot lagi ng mga mata nito?! Ito na naman yung pakiramdam. Alam ko malaki ang ang papel ko sa lungkot na yan.;saisip ko.

"Sorry nakaidlip pala ako.";paumanhin nito.

"It's alright Zans. Sorry naistorbo ko tulog mo but you need to eat first.";sabi ko sa kanya at inalalayan syang tumayo at giniya sa hapag.

"How's my kare-kare?!";I asked.

Tumingin ito sa mga mata ko.

"Masarap.";ikling tugon nya at sinamahan ng isang ngiti.

"Pasado ba?!";alanganing tanong ko.

"Yeah pwede na bez.";sagot nito.

Nabawasan ng konti yung ngiti ko dahil sa tawag na naman nito sakin.

After ng dinner nagpaalam na din syang umuwi. Ayoko pa sana dahil di pa nagsasawa yung mata ko sa kakatitig sa kanya pero kailangan na din nya magpahinga.

Hinatid ko sya sa unit nya.

"Thanks Zans for this day. I hope you enjoyed your day with me.";sabi ko.

"Okay lang yun bez. Bawi ko na din to sayo.";nakangiting sabi nito.

"So pano bukas nalang ulit. Goodnight.";dagdag nito agad.

"Good night Zans. I'll see you in the morning.";sagot ko bago sya pumasok sa unit nya.

Ngayon buo na ang loob ko.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon