Kakauwi ko. Tiring day pero worth it lahat. Happy ako sa opening ng resto.
Katatapos ko nag shower. Heto nakahiga. Tulala at nakatutok ang mata sa kisame.
Kahit anong pilit ko iwaksi sa isip ko yung kaganapan kanina para namang automatic na nag re-replay sa isip ko.
"You know her". Yan ang sagot kanina ni Ranz.
"Sino?! Don't tell me si Irene ulit yan?! Akala ko ba wala na kayo?!";singit na tanong ni Nancy.
"And wala ka naman girlfriend ah!";dugtong ni Candy.
"Basta kilala nyo sya.";sagot lang nito. Kahit anong pilit sa kanya ayaw sabihin.
"Zandra kilala mo ba kung sino sinasabi nitong si Ranz?!";tanong ni Candy.
"Hindi eh.";sagot ko kahit gusto ko ng sabihin na si Irene nga.
Pero ayoko ng makialam sa buhay nya. Aaminin ko...may kirot pa din akong naramdam sa sinabi nito na malapit na din sya. Maskit pa din marinig na totoo nga na malapit na silang ikasal.
Nakatulugan ko na naman ang pag-iisip. Paggising ko ng umaga diretso ligo at breakfast lang ako.
Gusto ko maaga ako sa resto para maayos lahat bago mag open ito.
Abala ako buong araw. Nang malapit na ang closing ng resto lumapit sakin sa kitchen ang isa sa waitress.
"Ma'am Zandra pinapasabi po nung isang costumer antayin ka daw po nya at ihahatid ka pauwi.";sabi nito na parang kinikilig pa.
"Sino?!";kunot-tanong ko.
"Ranz daw po.";sagot nito.
Biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
Ano naman ang ibig sabihin ng lalaking to.;saisip ko.
"Pakisabi wag na nya akong ihatid.";bilin ko sa kanya.
"Ay sayang naman Ma'am Zandra ang hot pa naman nun.";sabi nito bago umalis.
Gusto ko lang dumistansya kasi baka yung puso ko makalimot na naman. Lalo na ngayon alam kong mas mapapadalas ang pagkikita namin.
Paglabas ko ng resto pumunta agad ako sa kalsada para pumara ng taxi.
Gusto ko na nga din makabili ng sasakyan. Dapat pala nag-aaral na ako mag drive para di naman commute nalang palagi.;saisip ko.
Biglang may humawak sa kamay ko.
"Hatid na kita Zans.";sabi nito habang hinihila ako papunta sa gilid kung san naka park ang kotse nito.
Binawi ko yung kamay ko.
"No...hindi na. Salamat.";sabi ko sabay talikod pero mabilis syang humarang sa harap ko.
"Hatid na kita.";seryosong sabi nito. Napabuntong-hininga ako.
"Okay!";sabi ko nalang at pumunta na ako sa driver's seat.
Di ko nalang sya inimikan buong byahe hanggang sa makarating kami sa condo.
Wala naman ako maisip na sasabihin at wala naman kami dapat pag-usapan.
Pagbukas ko ng pinto ng unit ko nasa likod ko pa din sya.
"Can we talk Zans?!";he asked. Tumingin ako sa kanya.
Nakaka-miss din tong taong to.
Sobrang nasaktan nya ako pero bakit yung puso ko ganun pa din ang epekto.;saisip ko habang nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomancePaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...