Parang tinatambol ang dibdib ko sa mga oras na ito.
Pati sya ramdam kong kay bilis ng tibok ng puso nya.
Totoo kaya yung narinig ko?!;saisip ko.
Maya-maya pa'y humiwalay ito sakin ng yakap.
Pasimple nitong pinahid ang luha nito. Di ko akalain na umiyak ito.
"Okay ka lang ba?!";alalang tanong ko sa kanya at pinahid yung luha nya.
Hinawakan nito ang mga kamay ko.
"Di ko na kaya Zans. Now we are legally annulled..iba yung klaseng kirot ang nararamdaman ko. I want to act normal infront of you. Yung tipong kahit sobrang sakit na dito..,sabay turo sa puso nito. Pinipilit ko naman na ibigay ang kalayaan mo pero ang sakit sakit Zans. Malaya ka na pero ako nakakulong pa....umaasa na sana maging maayos pa din tayo. Na sana mahal mo pa din ako. Mahal na mahal kita Zans. Hindi ba pwedeng mahalin mo nalang ako ulit?!";teary eyed na hayag nito.
Tulala ako sa mga naririnig ko. Hindi ako makaimik.
"If you still love me Zans...wag mo naman pigilan oh! Hayaan mo naman maging masaya na tayong pareho.";titig na saad nito.
Kinabig nya ako at niyakap muli.
"Hindi man tayo nabigyan ng pagkakataon ng nakaraan sana hayaan mo ngayon na magkaroon tayo ng chance na maipadama na mahal natin ang isa't-isa.";sabi nito.
Humiwalay ito ng yakap at sobrang titig sa mga mata ko.
Yung luha ko pinipigilan kong pumatak.
At ganun na lamang ang gulat ko ng biglang may dinukot ito sa bulsa nito at lumuhod pagkatapos sa harapan ko.
"I know this is too late but I want to do this with you telling how much I need you. I love you Zans and I don't want to regret one day because I haven't tried and asked you. You don't need to answer right away Zans. I'll give you time. Mahal na mahal na mahal kita. I want you to be my wife and I want to marry you kahit paulit-ulit.";sabi nito.
"Keep this and just wear it pag mahal mo pa ako at handa kang pakasalan ulit ako.";dagdag na sabi nito at binigay sakin ang box kung saan nasa loob ang isang singsing.
Parang ayaw mag function ng utak ko. Parang di ako makapaniwala sa naririnig ko.
Tumayo ito at hinalikan ako sa noo bago nya ako kinabig palapit sa kanya para makayakap muli.
"Hindi mo kailangang sumagot ngayon Zans...kaya ko naman maghintay hanggang sa handa na ulit yang puso mong mahalin ako at pangarap na makasama ulit ako.";saad nito.
Nasa ganun kaming posisyon ng may mapansin ako sa sulok ng aking mata.
Paglingon ko nakatunghay silang lahat samin. Kanina pa ba ang mga ito?! Bakit di ko man lang napansin?!
Napahiwalay ako ng yakap kay Ranz.
"Uhm....kanina pa ba kayo dyan?!";alanganin na tanong ko.
Di ko nga alam kung mahihiya ba ako.
Tumango sila.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomancePaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...
![Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/39695204-64-k525894.jpg)